Wikiversity
Mga nilalaman
Ang ritmo (mula sa Griyegong ῥυθμός – rhythmos, "anumang regular na paulit-ulit na galaw, simetriya (pagkakatimbang)"[1]) , aliw-iw,[2] hagod, indayog, imbayog, kumpas, o tiyempo ng tugtog[2][3] ay isang "galaw na minarkahan ng tinatabanang palitan o sunuran ng malalakas at mahihinang mga elemento, o ng magkakabaligtad o iba't ibang mga kalagayan o kundisyon."[4] Sa ibang pananalita, ang ritmo ay ang payak na pagtitiyap o pagtataon ng mga tunog na pangmusika at mga katahimikan o pagtahimik. Habang ang rito ay karamihan pangkaraniwang ginagamit sa tunog, katulad ng tugtugin at sinasalitang wika, maaari rin itong tumukoy sa pagkakatawang pampaningin, bilang "itiniyap o itinaong galaw na dumaraan sa puwang o kapaligiran."[5]
Sa payak na pagpapaliwanag, ang ritmo ay ang haba ng oras sa pagitan ng bawat isang pangunahing bira o "palo", o kaya diin sa tugtugin. Ang unang diin o bira sa isang pangkat ng regular, may patas na putlang na mga bira ay madaramang mas malakas kaysa iba pa. Kapag isinusulat ang musika, inilalagay ang bawat isang pangkat sa mga bara o bareta (mga "sukat"). Ang unang diin ng bareta ay madaramang mas malakas kaysa sa iba.
Ang mga ritmo ay maaaring may iba't ibang mga gawi o pasimundan na maaaring palakpakin o ipalakpak o kaya tapikin. Narito ang ilang mga gawing pangkaraniwan:
- 1 2, 1 2 (isa dalawa, isa dalawa)
- 1 2 3, 1 2 3 (isa dalawa tatlo)
- 1 2 3 4, 1 2 3 4 (isa dalawa tatlo apat, isa dalawa tatlo apat).
Ang konduktor ang magbibigay ng diin sa tiyempo. Ang rito ay aakma sa ganitong regular na pagdiriin.
Mga sanggunian
- ↑ ῥυθμός, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, sa proyektong Perseus
- ↑ 2.0 2.1 Blake, Matthew (2008). "Rhythm, aliw-iw, tiyempo". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaboy, Luciano L. Rhythm - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The Compact Edition of the Oxford English Dictionary. Bol. II. Oxford University Press. 1971. p. 2537.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Art, Design, and Visual Thinking". Nakuha noong 2010-03-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)