Wikiversity

Ang karma (mula sa Sanskrit: "aksiyon, gawa") sa Budismo ang pwersa na nagtutulak sasaṃsāra na siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan ng bawat nilalang. Ang mga mabuting may kasanayang mga gawa (Pāli: "kusala") at masama at walang kasanayang mga gawa (Pāli: "akusala") ay lumilikha ng mga binhi sa isipan na natutupad sa buhay na ito o sa kalaunang muling kapanganakan.[16] Ang pag-iwas sa hindi malusog na mga gawa at pagpapalago ng mga positibong gawa ay tinatawag naśīla (mula sa Sanskrit: "etikal na pag-aasal"). Sa Budismo, ang karma ay spesispikong tumutukoy sa mga aksiyon o gawa ng katawan, pananalita at kaisipan na lumilitaw mula sa layuning pang-isipan ("cetana"),[17] at nagdudulot ng isang kalalabasan o bunga (phala) o resulta (vipāka). Sa Budismong Theravada, walang makadiyos na kaligtasan o kapatawan para sa karma ng isa dahil isang purong prosesong hindi personal na bahagi ng kabuuan ng uniberso. Sa Mahayana Budismo, ang mga teksto ng isang mga Mahayana sutra (gaya ng Lotus SutraAngulimaliya Sutra at Nirvana Sutra) ay nag-aangkin ng pagbibigkas o pakikinig lamang ng kanilang mga teksto ay maaaring bumura ng mga karma. Ang ilang mga anyo ng Budismo gaya ng Vajrayana ay tumuturing sa pagbibigkas ng mga mantra bilang paraan ng pagputol ng nakaraang negatibong karma.[18] Ang Hapones na Dalisay na Lupaing Gurong si Genshin ay nagturo na ang Amida Buddha ay may kapangyarihang wumasak ng karma na kundi ay magtatali ng isa sa saṃsāra.[4][5]