Wikiversity
Mga nilalaman
Milenyo: | ika-1 milenyo BCE |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 90 BCE dekada 80 BCE dekada 70 BCE dekada 60 BCE dekada 50 BCE dekada 40 BCE dekada 30 BCE dekada 20 BCE dekada 10 BCE 0 BCE |
Ang unang dantaon BC, kilala din bilang ang huling dantaon BC, ay nagsimula noong unang araw ng 100 BC at nagtapos sa huling araw ng 1 BC. Hindi gumagamit ng notasyong AD/BC ang serong taon; bagaman, gumagamit ng isang sero ang pagbibilang ng pang-astronomiyang taon, gayon din ang isang simbulo ng pagbabawas, kaya ang "2 BC" ay katumbas ng "taon –1". Sumunod ang unang dantaon AD (Anno Domini).
Sa kurso ng siglo, binili ng tuloy-tuloy ang lahat ng natitirang mga malayang lupain sa Dagat Mediteranyo sa ilalim ng kontrol ng Romano, na pinamumunuan ng alinman sa direktang sumasailalim sa mga gobernador o sa pamamagitan ng mga papet ng mga hari na hinirang ng Roma. Nabaon sa digmaang sibil ang estadong Romano mismo ng maraming beses, na nagresulta sa wakas sa marginalisasyon ng 500-taong-gulang na Republikang Romano, at ang sagisag ng kabuuang kapangyarihan ng estado sa iisang tao-—ang Romanong emperador.
Nakikita ang panloob na kaguluhan na ginambala ang Roma ng mga panahon na ito bilang isang nasa bingit ng kamatayan para sa Romanong Republika, dahil nagbigay daan ito sa mga awtokratikong ambisyon ng mga makapangyarihang indibiduwal tulad ni Sila, Julio Cesar, Marco Antonio at Octavio. Tinuturing ang pag-akyat ni Octavio sa total na kapangyarihan bilang emperador Augusto na pagmarka ng punto sa kasaysayan kung saan natapos ang Republikang Romano at nagsimula ang Imperyong Romano. Tinutukoy ng mga iskolar ang kaganapan na ito bilang ang Romanong Rebolusyon.
Ang kapanganakan ni Jesus, ang pangunahing indibiduwal sa Kristiyanismo, ay naganap sa pagsasara ng dantaon na ito.
Sa silanganing kalupaan, magsimula ang Dinastiyang Han sa paghina at nasa kaguluhan ang korte sa Tsina sa huling kalahati ng siglo. Nakulong sa isang mahirap na sitwasyon, nagsimula ang Xiongnu pumunta sa kanluran o kumabit sila sa Han.
Mga pangyayari
- Naging Imperyo Romano ang Republika ng Romano
- Mga 6 BC – 4 BC - Kapanganakan ni Jesus ng Nasareno (Tingnan: Kronolohiya ng kapanakan at kamatayan ni Jesus at Anno Domini para sa detalye)
- 44 BC - Pinatay si Julio Cesar
- 31 BC - Digmaang Sibil ng Romano: Labanan ng Aksyo - Sa labas ng kanlurang pampang ng Gresya, tinalo ng mga puwersa ni Cesar Augusto ang mga sundalo sa ilalim ni Marco Antonio at Cleopatra.
- 18 BC - Natatag ang Baekje sa kalagitnaang-kanluran ng Korea (tradisyunal na petsa sang-ayon sa Samguk Sagi)
Mga mahahalagang tao
- Cesar Augusto , unang Romanong Emperador
- Cleopatra, pinunong taga-Ehipto
- Julio Cesar, politikong Romano
- Cayo Mario , Romanong heneral at estadista
- Pompeyo , Romanong heneral at politiko
- Herodes ang Dakila , hari ng Judea
- Jesus ng Nasareno , Ang Anak ng Diyos sa iba't ibang paniniwala
- Jose , sang-ayon sa Bagong Tipan ang ama-amahan ni Jesus.
- Juan Bautista , Hudyong propeta ng Kristiyanismo at Islam
- Sila , Romanong heneral at estadista
- Marco Antonio , Romanong heneral at politiko
- Marcus Licinius Crassus , Romanong heneral at politiko
- Maria, sang-ayon sa Bagong Tipan at Quran, ang ina ni Jesus.
- Espartaco, gladiyador at rebolusyonaryong pinuno ng Ikatlong Digmaang Servile
- Tigranes ang Dakila, hari ng Armenia
Panitikan
- Catulo , manunulang Romano
- Ciceron , Romanong manunulat, pilosopo at politiko
- Horacio , Romanong manunula
- Lucrecio , Romanong manunula at pilosopo
- Ovidio , Romanong manunula
- Virgilio , Romanong manunula
- Vitruvio , Romanong manunulat, arkitekto and inhinyero
Agham at pilosopiya
- Pompeyo Trogo , Romanong mananalaysay
- Livio , Romanong mananalaysay
- Sima Qian , Tsinong mananalaysay, ama ng Tsinong historiograpiya
- Estrabon , Griyegong mananalaysay at heometro