LIMSwiki
Mga nilalaman
Ang sikolohiyang sosyetal, sikolohiyang panglipunan, o sikolohiyang pangpakikipag-ugnayang panglipunan (Ingles: societal psychology) ay isang kaunlaran sa loob ng sikolohiyang panlipunan o sikolohiyang pampakikitungo na nagbibigay ng diin sa puwersang mapangsaklaw sa lahat ng mga kapaligirang panlipunan, pang-institusyon, at pangkultura, at nasa piling nito ang pag-aaral ng penomenong panlipunan kung paano sila nakakaapekto at naaapektuhan ng mga kasapi sa isang partikular na lipunan o samahan. Ang katagang sikolohiyang sosyetal ay nilikha nina Hilde Himmelweit at George Gaskell noong 1990, bilang pagbaling sa sociological social psychology o "sosyolohikal na sikolohiyang panlipunan" (pangsosyolohiyang sikolohiyang pampakikitungo), upang maiwasan ang isang nag-iisang pag-anib sa isang ibang disiplina[1]
Ang sikolohiyang sosyetal ay inaalok bilang isang katumbas na panimbang sa pagtuon ng pangunahing sikolohiyang pampakikitungo hinggil sa pag-aaral ng mga kaisipan, mga damdamain, at mga gawain ng isang indibiduwal, habang hindi gaanong isinasaalang-alang ang pag-aaral ng kapaligiran, ng kultura nito at mga institusyon nito. Nilalayon ng sikolohiyang sosyetal na harapin ang mga paksa o suliraning ito at sa pamamagitan ng paggawa nito ay nakapagtatawag ng pansin na masagot ang maraming mga saligang palagay na nasa sikolohiyang pampakikitungo.
Sikolohiyang panlipunan
Ang pananaliksik sa loob ng balangkas ng sikolohiyang panlipunan ay hindi nakalimita lang sa mangilan-ngilang mga metodong pangsikolohiya, na katulad ng eksperimentasyon. Ang mga dalubhasa sa larangan ay gumagamit ng buong saklaw ng mga paraan ng agham na panglipunan na pangkalidad at pangkantidad at nagtatangkang ituon at patotohanan ang kanilang mga natuklasan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan. Ang pagpili at talagang pagkakasunud-sunod ng mga metodong ginagamit ay nakabatay sa particular na suliraning pinag-uukulan ng pansin.[2]
May isang bilang ng mga teoriyang pinanghahawakan na particular na mahalag at may kaugnayan sa pagpapaunlad ng sikolohiyang sosyetal, katulad ng mga teoriya sa identidad na panglipunan at impluwensiya ng minoridad ni Henri Tajfel,[3] at ang mga teoriya ng pagbabagong panlipunan at impluwensiya ng minoridad ni Serge Moscovici,[4] ang teoriya ng mga representasyong panlipunan o pagkakinatawang panlipunan,[5][6] pati na ilang mga pagharap at mga paraan mula sa araling pangmidya, at analisis ng diskurso, sa piling ng iba pa.
Ang sikolohiyang sosyetal ay kinatatangian ng labinlimang mga susing proposisyon:
- Ang sangkatauhan ay dapat na mapag-aralan na nasa diwang sosyokultural
- Ang indibiduwal at ang kolektibo o katipunan ay hindi maaaring paghiwalayin sa parang na pang-ontolohiya
- Ang ekolohiya ng kapaligiran, ang mga katangiang obhetibo nito, ay kailangang pag-aralan na kasabayan ang katotohanan nitong namamagitan
- Ang mga tao ay lumilikha ng mga organisasyong panlipunan o panlipunan—ngunit ang mga samahan o organisasyong panlipunan ang muling naghuhulma ng mga tao
- Ang inobasyan at konpormidad ay kapwa imperatibo o mahalaga sa sistemang panlipunan o pang pakikisalamuha ng mga pakikipag-ugnayan sa kapaligiran
- Ang layunin ng sikolohiyang sosyetal ay ang pagpapaunlad ng mga balangkas na pangkonsepto o mga huwaran sa halip na mapagpabayang paghahanap ng mga batas na hindi nababago
- Ang pangangailangan para sa pluralismong makateoriya at pangmetodolohiya
- Mayroong pangangailangan na mapanatili ang isang pananaw na pangkasaysayan
- Hindi maaaring mawala ang patawid na pagpapabunga sa pagitan ng sikolohiyang sosyetal at ng iba pang mga agham na panlipunan para sa sapat na pagsusuri ng kababalaghang panlipunan at mga sistemang panlipunan
- Mayroong pangangailangan para sa patawid na pagpapabunga sa piling ng mga sikologong sosyetal, pampapaunlad, at katauhan
- Kailangan din ang tumatawid na pagpapabunga o pertilisasyon sa pagitan ng pananaliksik na pangsaligan at inilalapat
- Ang sikolohiyang sosyetal ay nangangailangan ng isang pagharap sa mga sistema
- Ang pag-aaral ng isang penomenong panlipunan ay nangangailangan ay isang pagharap na pangmaramihang antas, sa antas na macro (malakihan) pati na sa antas na mikro (maliitan)
- Kailanganin nating tanggapin at eksaminin ang implikasyon na walang pananaliksik na panlipunan na maituturing na walang kahalagahan
- Kailangan nating mag-angkin ng isang mas malawak na kasaklawan ng mga kagamitang pampananaliksik
Mga sanggunian
- ↑ Himmelweit, H.T., & Gaskell, G. (Eds). (1990). Societal psychology: Implications and scope. London: Sage.
- ↑ Laszlo, J. & Wagner, W. (Eds) (2003). Theories and Controversies in Societal Psychology. Budapest: New Mandate.
- ↑ Tajfel, H. (1981). Human Groups and Social Categories: Studies in Social Psychology. Cambridge: Cambridge University Press.
- ↑ Moscovici, S. (1976). Social Influence and Social Change. London: Academic Press.
- ↑ Moscovici, S. (2000). Social Representations - Explorations in Social Psychology (G. Duveen, Trans.). Cambridge: Polity Press.
- ↑ Wagner, W., & Hayes, N. (2005). Everyday Discourse and Common Sense - The Theory of Social Representations. Basingstoke: Palgrave-Macmillan.