LIMSwiki
Mga nilalaman
Ang milon o melon (Ingles: melon) ay isang uri ng prutas.[1] Bilang pangalan, ginagamit ang katawagang milon para sa sari-saring mga kasapi ng pamilyang Cucurbitaceae na may malamang mga bunga o prutas. Maaaring tumukoy ang milon sa halaman o bunga, na isang hindi totoong ratiles. Maraming iba't ibang mga kultibar ang nalikha, partikular na ng mga mga milong musko o milong Kastila. Tumutubo ang halamang ito bilang isang halamang gumagapang o baging. Bagaman isang prutas ang milon, may ilang mga uri nitong maituturing bilang gulay sa larangan ng pagluluto o "kulinaryong gulay".
Mga sanggunian
- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.