LIMSwiki
Mga nilalaman
Look ng Maynila | |
---|---|
Lokasyon | Luzon, Pilipinas |
Mga koordinado | 14°31′00″N 120°46′00″E / 14.51667°N 120.76667°E |
Pinagmumulang ilog | |
Pinakahaba | 19 km (12 mi) |
Pinakalapad | 48 km (30 mi) |
Pang-ibabaw na sukat | 2,000 km2 (770 mi kuw) |
Mga isla | |
Mga pamayanan |
Ang Look ng Maynila ay isa sa mga pinakamainam na likas na daungan sa mundo na nagsisilbing puerto ng Maynila (sa Luzon), sa Pilipinas. Nasa 19 km ang lawak ng pasukan nito at nasa haba na 48 km. Isang pondohan ang Mariveles, sa lalawigan ng Bataan, na nasa loob ng hilagang pasukan at dating lokasyon ng Cavite Naval Base ang Sangley Point.
Mga tutok ng bulkan ang makikita sa magkabilang gilid ng look na may tropikal na mga kumpol na halaman: matatagpuan ang Tangway ng Bataan 40 km sa hilaga nito at nasa timog naman ang lalawigan ng Cavite.
Matatagpuan naman ang ilang mga pulo sa ibayo ng pasukan ng Look ng Maynila. Corregidor ang pinakamalaki dito, na nasa 3 kilometro mula sa Bataan at hinihiwalay, kasama ang pulo ng Caballo, ang bunganga ng look sa Hilaga at Timog na mga Kanal. Nasa timog na kanal ang pulo ng El Fraile at sa labas ng pasukan, at patungong timog, ang pulo ng Carabao. Isang mabatong pulo ang El Fraile na may sukat na 16,000 metro kuadrado ang laki, na sinusuporta ang malalaking konkreto at bakal na labi ng Fort Drum, isa pulong kuta ng ginawa ng Hukbo ng Estados Unidos para ipagtanggol ang timog na pasukan ng look. Sa malapitang hilaga at timog naroon ang mga karagdagang mga daungan.
Tagpuan ang look sa Labanan sa Look ng Maynila noong 1898 at ang pagkubkob ng Pulo ng Corregidor ng mga mananakop na Hapon noong 1942.
Kawing panlabas
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.