LIMSwiki

baguhin ang mga link
Istanbul

İstanbul
munisipalidad metropolitana sa Turkey, dating kabisera, megacity, largest city, daungang lungsod, big city, ancient city
Map
Mga koordinado: 41°00′36″N 28°57′37″E / 41.01°N 28.9603°E / 41.01; 28.9603
Bansa Turkiya
LokasyonLalawigan ng Istanbul, Turkiya
Itinatag29 Mayo 1453 (Huliyano)
Pamahalaan
 • mayor of IstanbulEkrem İmamoğlu
Lawak
 • Kabuuan5,343 km2 (2,063 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2023)[1]
 • Kabuuan15,655,924
 • Kapal2,900/km2 (7,600/milya kuwadrado)
Plaka ng sasakyan34
Websaythttps://www.ibb.istanbul/en

Ang Istanbul (Turko: İstanbul [isˈtanbuɫ] ( pakinggan)) ay ang dating kabisera ng Silangang Imperyo Romano at Imperyong Ottoman ng Turkiya, kilala sa kasaysayan bilang Constantinople (bigkas: /kons·tan·ti·no·pol/) at Byzantium. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking lungsod sa Turkiya na may populasyon na 15,067,724 (taya noong Disyembre 31, 2018).[2] Isa ito sa pinakamataong lungsod sa buong sanlibutan at pinakamataong lungsod sa Europa. Adminstratibong sentro ang lungsod ng Kalakhang Munisipalidad ng Istanbul (coterminous o kapareho sa Lalawigan ng Istanbul).

Ang lungsod na ito ang sentrong pang-ekonomiya, pangkalinangan at pangkasaysayan ng bansa. Isang lungsod na transkontinental sa Eurasya ang Istanbul na sumasaklang sa kipot ng Bosporus (na pinaghihiwalay ang Europa at Asya) sa pagitan ng Dagat ng Marmara at Dagat Itim . Ang pangkomesrsyo at pangkasaysayang sentro ay nasa bandang Europa at mga ikatlo ng populasyon nito ay nasa naik sa bandang Asya ng Bosporus.[3] Nakikita ang Istanbul bilang isang tulay sa pagitan ng Silangan at Kanluran.

Nagbiyahe ang mahigit 13.4 milyong bisita sa Istanbul noong 2013, walong taon matapos itong tinawag na isang Europeong Kabisera ng Kultura, na gumagawa ito ang ikawalong pinaka-binisita lungsod sa mundo. Ang makasaysayang sentro ng Istanbul (Turko: İstanbul'un Tarihî Alanları) ay isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO, at naghohost ang lungsod ng mga punong himpilan ng iba't ibang kompanyang Turko, na responsable para sa mahigit tatlumpung porsyento ng ekonomiya ng bansa.

Toponimiya

Ang unang alam na pangalan ng lungsod ay Byzantium (Sinaunang Griyego: Βυζάντιον, romanisado: Byzántion), ang pangalang ibinigay sa pundasyon ng mga kolonistang taga-Megara noong 657 BK. Inangkin ng mga kolonistang taga-Megara ang isang direktang guhit hanggang sa tagapagtatag ng lungsod, ni Byzas, anak na lalaki ng diyos na Poseidon at nimpang Ceroëssa. Iminumungkahi ng mga modernong maghuhukay ang posibilidad na sumasalamin ang pangalang Byzantium ng mga lugar ng mga kolonya ng mga Trasyano na nauna ng ganap na bayan. Ang Constantinopla ay hango sa Lating pangalang Constantinus, kumbaga Dakilang Constantino, ang Romanong Emperador na muling itinayos ang lungsod noong 324 AD. Ang Constantinopla ay nanatili bilang pinakakaraniwang pangalan para sa lungsod sa Kanluran hanggang sa dekada 1930, kung kailan ang mga awtoridad ng Turkiya ay nagsimulang igiit ang paggamit ng "Istanbul" sa mga wikang banyaga. Ang Ḳosṭanṭīnīye (Turkong Otomano: قسطنطينيه‎) at İstanbul ay mga pangalang ginamit ng mga Otomano habang kanilang paghahari.

Ayon sa popular na paniniwala, ang pangalang İstanbul (Pagbigkas sa Turko: [isˈtanbuɫ] ( pakinggan), kolokyal na Pagbigkas sa Turko: [ɯsˈtambuɫ]) ay hango sa Griyegong Mediebal na pariralang "εἰς τὴν Πόλιν" (bigkas ng Pagbigkas sa Griyego: [is tim ˈbolin])) na nangangahulugan "sa lungsod"[4] at ay karaniwang tukoy sa Constantinopla ng mga lokal na Griyego. Sumalamin ito ng niyang katayuan bilang nag-iisang pangunahing lungsod sa paligid. Ang ibang panukat ng niyang kahalagahan sa mundong Otomano ay kaniyang palayaw na Der Saadet, Otomanong Turko para sa "Tarangkahan ng Kaligayahan". Ang isang alternatibong tingin ay na ang pangalan ay tumubo mula mismo sa pangalang Constantinopla, kung saan binitawan ang ang una at ikatlong pantig. Inilarawan ng ilang mga Otomanong pinagmulan ng ika-17 na siglo, tulad ni Evliya Çelebi, ito bilang karaniwang Turkong pangalan ng panahon. Opisyal na ginamit din nito sa pagitan ng huling bahagi ng ika-17 at huling bahagi ng ika-18 na siglo. Ang unang paggamit ng pangalang Islambol (Turkong Otomano: اسلامبول‎) sa mga barya ay noong 1730 habang paghahari ng Sultang Mahmud I. Sa modernong Turko, sinusulat ang pangalan bilang İstanbul, na may isang İ, dahil itinatangi ng alpabetong Turko ang İ at I. Sa Ingles ang diin ay sa unang o huling pantig, pero sa Turko ito ay sa pangalawang pantig (-tan-). Ang isang taga-Istanbul ay İstanbullu (pangmarami: İstanbullular), at sa Ingles ginagamit ang Istanbulite.

Mga sanggunian

  1. https://data.tuik.gov.tr/Bulten/Index?p=Adrese-Dayali-Nufus-Kayit-Sistemi-Sonuclari-2023-49684.
  2. "The Results of Address Based Population Registration System, 2018" (sa wikang Turko). Turkish Statistical Institute. 1 Pebrero 2019. Nakuha noong 1 Pebrero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. WCTR Society; Unʼyu Seisaku Kenkyū Kikō 2004, p. 281 (sa Ingles)
  4. Necdet Sakaoğlu (1993/94a): "İstanbul'un adları" ["Mga pangalan ng Istanbul"] (sa wikang Turko). Sa: Dünden bugüne İstanbul ansiklopedisi, ed. Türkiye Kültür Bakanlığı, Istanbul.

Tingnan din

HeograpiyaTurkiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Turkiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.