LIMSwiki

baguhin ang mga link
Kaharian ng Belhika
Watawat ng Belhika
Watawat
Eskudo ng Belhika
Eskudo
Salawikain: L'union fait la force
"Ang pagkakaisa ay lakas"
Awitin: La Brabançonne
"Ang Brabansona"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bruselas
50°51′N 4°21′E / 50.850°N 4.350°E / 50.850; 4.350
Wikang opisyal
Pangkat-etniko
(2022)
KatawaganBelga
PamahalaanPederal at parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Felipe
Alexander De Croo
LehislaturaFederal Parliament
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
Chamber of Representatives
Independence 
from the Netherlands
• Declared
4 October 1830
19 April 1839
Lawak
• Kabuuan
30,689 km2 (11,849 mi kuw) (136th)
• Katubigan (%)
0.71 (2015)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
Neutral increase 11,697,557 (82nd)
• Densidad
376/km2 (973.8/mi kuw) (22nd)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $769,682 billion (37th)
• Bawat kapita
Increase $65,813[1] (20th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $627,511 billion[1] (23rd)
• Bawat kapita
Increase $53,656[1] (16th)
Gini (2022)24.9[2]
mababa
TKP (2021)Increase 0.937[3]
napakataas · 13th
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono+32
Internet TLD.be and .eu

Ang Belhika (Olandes: België; Pranses: Belgique; Aleman: Belgien), opisyal na Kaharian ng Belhika, ay bansa sa Hilagang-Kanlurang Europa. Isa itong bansang nakasulong sa Hilagang-Kanlurang Europa na napapaligiran ng Olanda, Alemanya, Luksemburgo, Pransiya, at ang Hilagang Dagat. Mayroon higit sa sampung milyong katao ang Belhika sa may tatlumpung libong kilometro kudwadrong lupain, na naging ika-17 pinakamakapal na populasyong bansa sa buong daigdig. Nasa ikasiyam naman ito sa 2005 na Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Mga Nagkakaisang Bansa.

Batay sa kasaysayan, kabilang sa mga Mabababang Lupain (o Low Countries sa Ingles) ang kaharian bukod sa karamihang bahagi ng Olanda at Luksemburgo. Ang sakop ng rehiyong ito ay mas malaki pa sa saklaw ng kasalukuyang lipon ng mga bansang Benelux na dating kilala sa Latinong katawagang Belgica na siyang hango sa Gallia Belgica na isang Romanong lalawigang sakop mahigit-kumulang ang sukat ng sinabing bahagi ng Europa. Mula sa katapusan ng Gitnang Panahon hanggang sa ika-17 siglo, ang rehiyon ay naging maunlad na lunduyan ng kalakalan at kultura. Mula sa ika-16 na siglo hanggang sa Himagsikang Belhikano ng 1830 nang humiwalay ang Belhika sa Olanda, maraming naganap na labanan sa pagitan ng maraming puwersang Europeo sa kinalalagyan ng Belhika na siyang tinaguriang "Battlefield of Europe" sa Ingles.

Nang makamit nito ang kalayaan, naging bahagi ng Rebolusyong Industriyal ang Belhika at sa buong ika-20 siglo ay nakapagmay-ari ng ilang kolonya sa Aprika. Ang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo ang pagsilakbo ng agwatan sa pagitan ng mga Plamengko at mga Prangkopono (mga Valon) na pinasidhi ng pagkakaiba sa wika at di-pantay na pag-unlad ng ekonomiya ng Plandes at Valonia. Nagpatuloy ito sa mas lumubhang mga alitan na nagbigay-daan sa malawakang reporma sa pamahalaan ng Belhika na mula sa pinag-isang estado (unitary state) ay siyang ginawang pederal. Maliban pa dito, kabikabilang krisis pampolitika ang pinagdaanan ng bansa tulad ng nangyari mula 2007 hanggang 2011 na pinakamahaba sa kasaysayan.

Sa ngayon, ang Belhika ay nahahati sa dalawang rehiyon at dahil dito, dalawang wika. Ang mga nag-o-Olandes, o mga Plamengko (Flemish sa Ingles), ay nakatira sa Plandes (Flanders). Samantala, ang mga nagpa-Pranses, tinaguriang mga Valon (Walloon), ay nasa Valonia (Wallonia).

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ay ang Bruselas.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang IMFWEO.BE); $2
  2. "Gini coefficient of equivalised disposable income – EU-SILC survey". ec.europa.eu. Eurostat. Nakuha noong 28 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022. Nakuha noong Setyembre 8, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.