LIMSwiki
Mga nilalaman
Sa heograpiyang politikal at pandaigdigang politika, ang isang bansa (mula sa Sanskrito: वंश [vanśa]) ay isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.
Pinagmulan ng Salita at mga Gamit
Nagmula ang salitang bansâ sa Sanskrito: वंश /ʋɐ̃.ɕɐ́/ o /vaṃśá/ na ang ibig-sabihin ay lahi, saling-lahi, kaangkanan.
Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga pampolitikang entidad,[1][2][3] ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga estado[4] Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o maghambing.[5][6][7][8][9]
Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ng Inglatera, Eskosya at Gales), ay karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ng pagsasarili ng gayung mga bansa ay malawak na nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may mga teritoryong umaasa (tulad ng Kapuluang Birhen ng Britanya, ang Netherlands Antilles at Samoang Amerikano), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganung mga teritoryong umaasa ay minsang nakatala sabay ng mga malayang estado sa tala ng mga bansa.
Tingnan din
- Talaan ng mga bansa.
- Talaan ng mga kabansaan.
- Talaan ng mga bansa ayon sa kapal ng populasyon.
- Tala ng mga bansa ayon sa populasyon .
- Tala ng mga bansa ayon sa GDP (PPP) bawat kapita.
- Pagkamakabansa.
- Pagkamakabayan.
Mga sanggunian
- ↑ "Acts Interpretation Act 1901 - Sect 22: Meaning of certain words". Australasian Legal Information Institute. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Kwet Koe v Minister for Immigration & Ethnic Affairs & Ors [1997] FCA 912 (8 Setyembre 1997)". Australasian Legal Information Institute. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "U.S. Department of State Foreign Affairs Manual Volume 2—General" (PDF). United States Department of State. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rosenberg, Matt. "Geography: Country, State, and Nation". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-06. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The World Factbook - Rank Order - Exports". Central Intelligence Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-27. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Index of Economic Freedom". The Heritage Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-14. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Index of Economic Freedom - Top 10 Countries". The Heritage Foundation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-24. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Asia-Pacific (Region A) Economic Information" (PDF). The Heritage Foundation. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-11-14. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Subjective well-being in 97 countries" (PDF). University of Michigan. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-08-19. Nakuha noong 2008-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)