LIMSwiki
Mga nilalaman
Milenyo: | ika-2 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 1500 dekada 1510 dekada 1520 dekada 1530 dekada 1540 dekada 1550 dekada 1560 dekada 1570 dekada 1580 dekada 1590 |
Mona Lisa | |
---|---|
Italiano: La Gioconda, Pranses: La Joconde | |
Alagad ng sining | Leonardo da Vinci |
Taon | c. 1503–1506 |
Tipo | Pagpintura sa langis |
Kinaroroonan | Musée du Louvre, Paris |
Ang ika-16 na dantaon (taon: AD 1501 – 1600), ay nagsimula sa Huliyanong taon na 1501 at natapos sa Huliyano o Gregoryanong taon na 1600 (depende sa ginamit na pagtuos; ipinakilala ng kalendaryong Gregoryano ang isang paglaktaw ng 10 araw noong Oktubre 1582).[1]
Pinapalagay ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang ika-16 na siglo bilang ang dantaon na umangat ang Kanluraning kabihasnan at nangyari ang Panahon ng Islamikong Pulbura.
Noong ika-16 na dantaon, ipinakilala ang Mauritius sa mga mapa, ginalugad ng Espanya at Portugal ang Karagatang Indiyano at binuksan ang paglaganap sa buong mundo ng mga ruta sa kalakalan sa karagatan, at binigyan ng pahintulot si Vasco da Gama ng mga Sultang Indiyano na manirahan sa mayamang Sultanatong Bengal.[2][3][4] Naging kolonya ng Kastila at Portuges ang malaking bahagi ng Bagong Mundo, at habang namuno ang mga Portuges sa kalakalan sa Karagatang Indiyano sa Asya at Aprika, nagbukas ang mga Kastila ng kalakalan sa Karagatang Pasipiko, na dinudugtong ang mga Amerika at Indya.
Itinatag ng panahon na ito ng koloniyalismo ang merkantalismo bilang ang namamayaning paaralan ng kaisipang ekonomiko, kung saan tinitingnan ang sistemang ekonomiko bilang isang larong serong-kabuuan na sinasabing na kahit anong nakuhang pakinabang ng isang partido ay kinakailangan ang pagkalugi ng isa pa. Hinimok ang doktrinang merkantalista ang maraming digmaang intra-Europeo ng panahon na ito at masasabing nagpaalab sa pagpapalawak at imperyalismo ng Europa sa buong mundo hanggang ika-19 na dantaon o unang bahagi ng ika-20 dantaon.
Nagbigay ng malaking dagok ang Repormang Protestante sa awtoridad ng papasiya at sa Simbahang Katoliko. Namayani ang sa politikong Europeo ang pagtatalo sa relihiyon, na naging saligan sa mahabang Digmaang Tatlumpung Taon na nailatag sa pagtatapos ng siglo. Sa Italya, iba't ibang kontribusyon ang ginawa ng nangungunang mga taong renasimiyento na nagdulot sa pundasyon ng mahahalagang paksa na kinabibilangan ng accounting at agham pampolitika. Inimbento ni Galileo Galilei ang unang termometro at gumawa ng mahalagang kontribusyon sa larangan ng Rebolusyong Siyentipiko. Sa Inglatera, nagsulat ang Briton-Italyanong si Alberico Gentili ng unang aklat tungkol sa publikong batas pang-internasyunal at hiniwalay ang sekularismo mula sa batas Kanoniko at teolohiyang Katoliko.
Mga dekada
Dekada 1500[A]
Kapanganakan
- tinatayang 1501 - Anne Boleyn, ikalawang asawa ni Haring Enrique VIII ng Inglatera (namatay 1536)
Dekada 1510
Kaganapan
- 1519: Setyembre 20 – Umalis si Fernando de Magallanes mula Espanya kasama ang limang armada ng mga barko, upang maglayag pakanluran at abutin ang mga Pulo ng Pampalasa.
Kamatayan
- 1519: Mayo 2 - Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (ipinanganak 1452)
Dekada 1520
1521
Kaganapan
- Enero 3 - Na-ekskomulgado si Martin Luther ni Papa Leo X sa bula na pampapa na Decet Romanum Pontificem.[5]
- Enero 22 - Binuksan ni Charles V ang Diet ng Worms sa Worms, Alemanya
- Marso 6
- Nataluksan ni Fernando de Magallanes ang Guam.
- Ipinatawag si Martin Luther upang humarap sa Diet ng Worms.
- Marso 16 – Nakaabot si Fernando de Magallanes sa Pilipinas.
- Marso 31 – Naganap ang Unang misa sa Pilipinas.
- Abril 7
- Dumating si Fernando de Magallanes sa Cebu.
- Nangaral si Martin Luther na isang nagpapasiklab na sermon sa mga mag-aaral ng Erfurt, habang papuntang Worms.
- Abril 27 – Labanan sa Mactan: Pinatay si Fernando de Magallanes sa Pilipinas.
- Agosto 8 – Pagbagsak ng Tenochtitlan: Tinalo ni Hernán Cortés at mga kakamping katutubo ng mga Amerika ang mga puwersang Aztec fng Cuauhtémoc, ang huling Tlatoani (Emperador na Aztec), sa Tenochtitlan sa Lambak ng Mehiko.
Kamatayan
- Abril 27 - Fernando de Magallanes - manggagalugad na Portuges (ipinanganak 1480)
1522
Kaganapan
- Setyembre 6 – Nagbalik sa Sanlúcar de Barrameda, Espanya ang Vittoria, isa sa mga natitirang bapor ni ekspedisyon ni Fernando de Magallanes, sa ilalim ng pamumuno ni Juan Sebastián Elcano, na naging ang unang bapor na umikot sa mundo.
- Setyembre 21 – Bibliyang Luther: Ang pagsalin ni Martin Luther ng Bagong Tipan ng Bibliya sa Maagang Bagong Mataas na Aleman mula sa Griyego, angDas newe Testament Deutzsch, ay nilathala sa Alemanya, na nakabenta ng libo-libong kopya sa unang mga linggo.
1524
Kaganapan
- Disyembre 8 – Itinatag ni Francisco Hernandez de Cordoba ang lungsod ng Granada, Nicaragua, ang pinakamatandang Hispanikong lungsod sa pangunahing lupain sa Kanlurang Hating-globo.
Kamatayan
- Disyembre 24 – Vasco da Gama, manggagalugad na Portuges (ipinanganak 1469)
Dekada 1530
Kaganapan
- 1533: Enero 25 - pinakasalan ni Hari Henry VIII ng Inglatera si Anne Boleyn
- 1535: Mayo 27 - Itinatag ng Espanya ang Birreynato ng Bagong Espanya na nakabase sa Mehiko upang pangasiwaan ang Imperyo ng Espanya sa pamamagitan ng isang birrey o viceroy.
Kapanganakan
- 1533: Setyembre 7 - Elizabeth I, Reyna ng Inglatera at Reyna ng Ireland mula Nobyembre 17, 1558 hanggang kanyang kamatayan (namatay 1603
Dekada 1550
Kamatayan
- 1558: Setyembre 21 - Carlos I ng Espanya, Hari ng Espanya. (ipinanganak 1500)
Dekada 1560
Kaganapan
- 1565: Pebrero 13 – Dumating ang Kastilang Konkwistador na si Miguel López de Legazpi at kanyang mga tropa sa baybayin ng Pulo ng Cebu sa Pilipinas.
Kapanganakan
- 1564: Pebrero 15 - Galileo Galilei, isang Italyanong pisiko, astronomo, at pilosopo (namatay 1642)
Kamatayan
- 1564: Pebrero 18 - Michelangelo Buonarroti, isang eskultor, arkitekto, pintor, at manunula noong Renasimiyento (isinilang 1475)
Dekada 1570
Kaganapan
- Hunyo 3 – Pagkatapos ng Labanan sa Ilog Bangkusay, nakumpleto ang pananakop ng Kaharian ng Maynila, ginawa ng Konkwistador na Kastila na si Miguel López de Legazpi ang Maynila bilang isang lungsod, at ang kabisera ng Pilipinas.
Kapanganakan
Mga pananda
- ↑ Maliban sa 1500
Mga sanggunian
- ↑ Kumikiling ang mga reperensiyang gawa ng panahon na ito sa pagsunod sa pagkilala ng kalendaryong Gregoryano para sa pagsaalang-alang ng pagiging malinaw; sa gayon, sinsabi ng katalogo ng pambuwan na eklipse ng NASA na "Ginagamit ang kalendaryong Gregoryano para sa lahat ng petsa mulat 1582 Okt 15 pataas. Bago ang petsa, ginagamit ang kalendaryong Huliyano." Para sa mga petsa pagkatapos ng 15 October 1582, kailangang mag-ingat upang maiwasan ang pagkalito sa dalawang istilo.
- ↑ Vadime Elisseeff (1998). The Silk Roads: Highways of Culture and Commerce (sa wikang Ingles). Berghahn Books. ISBN 978-1-57181-221-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nanda, J. N (2005). Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005. ISBN 978-81-8069-149-2.
Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Portuguese, The - Banglapedia". en.banglapedia.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michael M. Tavuzzi (1997). Prierias: The Life and Works of Silvestro Mazzolini Da Prierio, 1456-1527. Duke University Press. p. 80. ISBN 0-8223-1976-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)