LIMSpec Wiki
Mga nilalaman
Ang pagsasanay ay pagtuturo, o pagpapabuti sa sarili o sa iba, ang anumang kakayahan at kaalaman na may kaugnayan sa mga partikular na kapaki-pakinabang na kakayahan. Ito ay may partikular na layuning pag-ibayuhin ang kakayahan, kapasidad, pagkaproduktibo at ang kabuuhang kagalingan. Binubuo nito ang pinaka-hangarin ng pag-aaral at nagbibigay suporta sa nilalaman ng paaralan ng teknolohiya (kilala rin bilang teknikal na mga kolehiyo o politeknik).
Bilang karagdagan sa pangunahing pagsasanay na kinakailangan para sa isang kalakalan, trabaho o propesyon, ang mga umoobserba sa merkado ng paggawa ay kinilala ang pangangailangan na maipagpatuloy ang pagsasanay na lampas sa paunang mga kuwalipikasyon: upang mapanatili, itaas at magpabago ng mga kakayahan sa buong buhay ng pagtatrabaho. Ang mga tao na may iba’t ibang propesyon at trabaho ay maaaring sumangguni sa ganitong uri ng pagsasanay para sa propesyonal na pagpapaunlad.
Ang pisikal na pagsasnay ay nakatuon sa mekanikang layunin: mga programa sa pagsasanay sa bahaging ito ay nagpapaunlad ng mga tiyak na kakayahan o mga kalamnan, madalas na may tugatog ng pananaw sa partikular na panahon. Ang ilang programa sa pisikal na pagsasanay ay nakatutok sa pagpapaangat ng kabuuang pisikal na kalusugan.