LIMSpec Wiki

Isang guhit-larawan na nagpapakita ng mga masel na nasa likuran ng mga tuhod at mga binti.

Ayon sa larangan ng anatomiya, ang alakalakan o alak-alakan (Ingles: calf muscle, calf o gastrocnemius o back-knee) ay tumutukoy sa dalawang bahagi ng katawan ng tao: una, ang mismong lugar na nasa likuran ng tuhod at, pangalawa, ang laman o muskulo na nasa likuran ng binti.[1] Ang alak-alakan ay isang pares ng mga masel na nasa likod ng pangibabang mga lambo ng tao: ang gastrocnemius at soleus

Nakadugtong ang kompleks ng gastrosoleus sa paa sa pamamagitan ng tendong Achilles, at kumikilos upang makasanhi ng isang galaw na kung tawagin ay pleksiyong plantar sa wikang Ingles, at gayon din, para magbigay ng katatagan sa kompleks ng sakong na nasa kathang-isip na tablang pahalang.

Tungkulin

Kabilang sa mga gawaing tungkulin ang pagbibigay ng katatagan sa pagkilos (katulad ng paglakad at pagtakbo) at lakas sa pagtalon (tulad ng Fosbury Flop).

Nabanat na alak-alakan (napunit na laman sa alak-alakan)

Nangyayari ang pagkapunit ng isang masel ng alak-alakan kung ang masel na pang-alak-alakan ay mahatak pahiwalay mula sa tendong Achilles. Madarama ng biktima ang sukdulang pananakit - at maaari mong isipin na natamaan ang hita ng isang bagay at may narinig kang isang tunog ng pagputok ("pop"). May dagliang sakit na mararamdaman sa palibot ng hita.

Nangyayari ang kapinsalaan ito habang nagmamadali o sa biglaang pagbabago ng direksiyon. Maaaring mamulikat at malakas ang paghilab. Tuturong pababa ang mga daliri sa paa. May lilitaw na mga tanda ng pagkabugbog (mga pasa) o pagkakaroon ng gasgas sa loob ng paa at bukung-bukong na sanhi ng pagdami ng dugo sa mga lugar na ito, na siya namang dahil sa pagdurugo sa loob.

Maaaring umabot ng maraming buwan bago gumaling ang kapinsalaang ito. Hindi dapat ipagpatuloy ang mga gawaing pampalakasan o sports kung napunit ang isang masel. Kailangan ang agad na pagkonsulta sa isang manggagamot matapos na mapunit ang masel upang mabigyan ka ng isang takdang rehabilitasyon.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, 1583 mga dahon, ISBN 971910550X