LabLynx Wiki
Mga nilalaman
Ang toksoyd (mula sa Ingles na toxoid) ay isang toksin o lason na nabawasan o napahina na ang pagiging katangiang nakalalason, subalit may bisa pa rin upang mapabilis ang produksiyon ng antitoksin at may kakayahan pa ring makilangkap sa antitoksing ito. Ginagamit ito sa pag-gawa ng mga bakuna.[1] Hindi na nakapagdurulot ng sakit ang toksoyd kapag idinarang ito sa init o mga kimikal. Subalit, nakasasanhi ito sa katawan upang gumawa ng mga antibody o panlaban ng katawan upang kalabanin ang mga toksin. Ibinibigay ng mga manggagamot ang mga toksoyd bilang isang anyo o paraan ng proteksiyon o pananggalang laban sa partikular na mga karamdamang katulad ng dipterya at tetano (kilala rin sa Ingles bilang lockjaw: ang pagpinid o pagsasara ng panga).[2]
Sanggunian
- ↑ Gaboy, Luciano L. Toxoid, Some Medical Terms, Diseases - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com., pahina 206.
- ↑ "Toxin, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.