Bioinformatics Wiki

Ang teritoryo ay isang nasasakupang lupa, dagat, o espasyo, pag-aari o konektado sa isang partikular na bansa, tao, o hayop.[1]

Sa politikang pandaigdigan, ang isang teritoryo ay karaniwang isang heograpikong lugar na hindi pinagkalooban ng kapangyarihan ng sariling pamahalaan, ibig sabihin, isang lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng isang soberanong estado.

Bilang isang subdibisyon, ang isang teritoryo sa karamihan ng mga bansa ay isang organisadong dibisyon ng isang lugar na kontrolado ng isang bansa subalit hindi pormal na binuo sa,[2] o isinama sa, isang politikal na yunit ng bansang iyon, kung saan ang mga yunit pampulitika ay may pantay na katayuan. sa isa't isa at kadalasang tinutukoy ng mga salitang gaya ng "mga lalawigan", "mga rehiyon", o "mga estado". Sa mas makitid nitong kahulugan, ito ay "isang heograpikong rehiyon, tulad ng isang kolonyal na pag-aari, na umaasa sa isang panlabas na pamahalaan."[3]

Etimolohiya

Hango ang salitang Tagalog na "teritoryo" sa salitang Kastila na territorio na siya namang nagsisimula sa ugat na ters ('ipatuyo') sa Proto-Indo-Europeo.[4] Mula rito lumabas ang salitang Latin na terra ('lupa, lupain') at nang maglaon ay ang salitang Latin na territorium ('lupain sa paligid ng isang bayan').[5][6] Sa Ingles, binabaybay itong territory na magsimula bilang isang salita sa Gitnang Ingles noong ika-14 na dantaon. Sa puntong ito ang hulaping -orium, na nagsasaad ng lugar, ay pinalitan ng -ory na nagpapahayag din ng lugar.[7]

Anyong tubig na teritoryo

Ang mga anyong tubig na teritoryo ay ang impormal na nasasakupang anyong tubig kung saan mayroong hurisdiksyon ang isang soberanong estado, kabilang ang mga panloob na anyong tubig, teritoryong dagat, sonang magkaratig, ang eksklusibong sonang ekonomiko, at potensyal na pinahabang kalapagang panlupalop (kadalasang tinatawag ang mga bahaging ito kapag pinagsama-sama bilang ang mga sonang maritimo[8]). Sa isang mas makitid na kahulugan, kadalasang ginagamit ang katawagan bilang kasingkahulugan ng dagat teritoryal.[9]

Ang mga sasakyang pandagat ay may iba't ibang karapatan at tungkulin kapag tumatawid sa bawat lugar na binibigyan kahulugan ng Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa o ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), isa sa mga pinakapinagtibay na tratado o kasunduan. Hindi maaring gampanin ng mga estado ang kanilang hurisdiksyon sa mga anyong tubig na lagpas sa eksklusibong sonang ekonomiko, na kilala bilang kalautan ng dagat (o mga anyong tubig na pandaigdigan).[10]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "territory". Cambridge Academic Content Dictionary (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "territory". Cambridge Academic Content Dictionary (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Territory. American Heritage Dictionary of the English Language. Nakuha noong 28 Enero 2022. Inarkibo noong 29 Enero 2022. (sa Ingles)
  4. Harper, Douglas. "*ters-". Online Etymology Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hulyo 2017.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Harper, Douglas. "territory". Online Etymology Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 27 Hulyo 2017.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Definition of TERRITORY". Merriam Webster Dictionary (sa wikang Ingles). merriam-webster.com. Nakuha noong 27 Hulyo 2017.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dunmore, Charles W.; Fleischer, Rita M. (2008). Studies in Etymology (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). Focus. p. 236. ISBN 9781585100125. JSTOR 288048.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. IAEA (2020). Revised exposé des motifs of the Paris convention as amended by the protocols of 1964, 1982 and 2004 (sa wikang Ingles). pp. 5–6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Territorial waters | international law". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Law of the Sea: A Policy Primer (PDF) (sa wikang Ingles). 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)