Trends in LIMS
Mga nilalaman
Mongolya | |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Ulan Bator 48°N 106°E / 48°N 106°E |
Wikang opisyal | Mongol |
Katawagan | Mongolian |
Pamahalaan | Unitaryong republikang semi-presidensyal |
Ukhnaagiin Khürelsükh | |
Luvsannamsrain Oyun-Erdene | |
Lehislatura | State Great Khural |
Formation | |
209 BC | |
1206 | |
• Completion of Qing dynasty conquest | 1691 |
• Declaration of independence from the Qing dynasty | 29 December 1911 |
• Mongolian People's Republic established | 26 November 1924 |
13 February 1992 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,564,116 km2 (603,909 mi kuw) (18th) |
• Katubigan (%) | 0.67 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2020 | 3,227,863 (134th) |
• Densidad | 2.07/km2 (5.4/mi kuw) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $52.989 bilyon (ika-124) |
• Bawat kapita | $15,087 (103rd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $18.782 billion[1] (136rd) |
• Bawat kapita | $5,348[1] (115th) |
Gini (2018) | 32.7[2] katamtaman |
TKP (2021) | 0.739[3] mataas · 96th |
Salapi | Tögrög (MNT) |
Sona ng oras | UTC+7/+8[4] |
Ayos ng petsa | yyyy.mm.dd (CE) |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +976 |
Kodigo sa ISO 3166 | MN |
Internet TLD | .mn, .мон |
Ang Mongolia /mong·gol·ya/ (Mongolian: Монгол Улс) ay isang bansa sa Silangan at Gitnang Asya na lubos na napapalibutan ng kalupaan. Nasa hilaga ng hangganang nito ang Russia at sa timog ang China. Kahit hindi nito kahangganan ang Kazakhstan, ang pinakakanlurang dulo nito ay 38 kilometro lang ang layo sa pinakasilangang dulo ng Kazakhstan. Ulan Bator ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Mongolia, kung saan 45 porsiyento ng populasyon ng bansa ay dito nakatira. Ang pamahalaan ng Mongolia ay isang republikang parliyamentaryo.
Pinagharian ng iba't-ibang imperyong lagalag, kasama na rito ang Xiongnu, Xianbei, Rouran, Gokturk at iba pa ang lugar na sakop na ngayon ng Mongolia. Itinayo ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol noong 1206. Matapos bumagsak ang Dinastiyang Yuan, bumalik sa sinaunang nilang kaugaliang pagtutunggalian ang mga Mongol at madalas na pananalakay sa mga lupaing nasa hangganan nito sa China. Noong ika-16 at ika-17 siglo, napasailalim ng impluwensiyang Budismong Tibetan ang bansa. Sa pagsasara ng ika-17 siglo, napaloob ang buong Mongolia sa teritoryong pinamumunuan ng Dinastiyang Qing. Sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1911, nagdeklara ng kasarinlan ang Mongolia ngunit kinailangan nitong sikapin hanggang 1921 upang matamo at maitatag ang de factong kalayaan nito mula sa Republika ng China at hanggang 1945 upang kilalanin sa buong mundo ang kalayaan nito.
Ang kinahitnan, ito'y napasailalim sa malakas na impluwensiya ng mga Russian at Soviet; noong 1924 itinatag Mongolian People's Republic (Republika ng Mamamayang Mongolian), at tumulad ang politika sa Mongolia sa estilo at sistemang pampolitika ng mga Soviet noong mga panahong iyon. Matapos ang pagbagsak ng mga komunistang rehimen sa Silangang Europa noong huling bahagi ng 1989, nasaksihan nito ang sarili nitong Demokratikong Rebolusyon noong unang bahagi ng 1990, na nagresulta sa isang multi-partidong sistema, isang bagong konstitusyon noong 1992 at transisyon nito sa isang ekonomiyang pamilihan.
Sa lawak nitong 1,564,116 kilometro kuwadrado, ang Mongolia ay ang ika-19 na pinakamalaking bansa sa mundo at ang pinkamaluwang ang paninirahan sa populasyon nitong 2.75 milyong katao. Ito rin ang ikalawang pinakalamalaking bansa na lubos na napalilibutan ng kalupaan kasunod ng Kazakhstan. Kakaunti lamang ang sakahang-lupa ng bansa dahil malaking bahagi nito ay mga kaparangan, mga kabundukan naman sa hilaga at ang Disyerto ng Gobi sa timog. Humigit-kumulang 30 porsiyento ng populasyon ay lagalag at mga bahagyang-lagalag. Ang namamayaning relihiyon sa Mongolia ay ang Budismong Tibetan, at malaking bahagi ng mamamayan ng bansa ay etnikong Mongol, ngunit may mga Kazakh, Tuvan at iba pang mga minoryang pangkat ang rin naninirahan dito, lalo na sa kanluran. Mga 20 porsiyento naman ng populasyon nito ang nabubuhay na mas mababa sa US$1.25 kada araw.[5] Sumapi ang Mongolia sa World Trade Organization noong 1997 at naghahangad na mapalawak ang partisipasyon nito sa mga rehimeng pang-ekonomiya at pangkalakalang rehiyonal.[6]
Mga teritoryong pampangasiwaan
- Ulan Bator
- Lalawigan ng Arkhangai
- Lalawigan ng Bayan-Ölgii
- Bayankhongor Province
- Lalawigan ng Bulgan
- Lalawigan ng Darkhan-Uul
- Dornod Province
- Dornogovi Province
- Dundgovi Province
- Govi-Altai Province
- Govisümber Province
- Khentii Province
- Khovd Province
- Khövsgöl Province
- Ömnögovi Province
- Orkhon Province
- Övörkhangai Province
- Selenge Province
- Sükhbaatar Province
- Töv Province
- Uvs Province
- Zavkhan Province
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangIMFWEO.MN
); $2 - ↑ "GINI index (World Bank estimate) – Mongolia". data.worldbank.org. World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2020. Nakuha noong 22 Marso 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. Setyembre 8, 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong Setyembre 8, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mongolia Standard Time is GMT (UTC) +8, some areas of Mongolia use GMT (UTC) +7". Time Temperature.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2007. Nakuha noong Setyembre 30, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Indices." Human Development Reports. United Nations Development Program. Web. 24 Disyembre 2011. (sa Ingles)
- ↑ "CIA - The World Factbook". Cia.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-29. Nakuha noong 2011-10-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
- Mongolia Open Government
- Mongolia Ministry of Foreign Affairs
- Mongolian Tourist Board Naka-arkibo 2008-10-25 sa Portuguese Web Archive
- US Department of State - Mongolia