The US FDA’s proposed rule on laboratory-developed tests: Impacts on clinical laboratory testing

baguhin ang mga link

Daang Bonifacio
Bonifacio Drive
Impormasyon sa ruta
Haba1.0 km  (0.6 mi)
Tinansyang haba (mula sa Google Maps)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaBilog ng Anda sa Port Area at Intramuros
Dulo sa timog N120 / AH26 (Bulebar Roxas) / N150 (Abenida Padre Burgos) / Katigbak Parkway sa Ermita
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Bonifacio (Ingles: Bonifacio Drive) ay isang daang may haba na 1 kilometro (o 0.6 milya) at dumadaan mula hilaga pa-timog sa pagitan ng Intramuros at Pantalan ng Maynila sa Maynila, Pilipinas. Isa itong tagapagpatuloy ng Bulebar Roxas sa hilaga mula Abenida Padre Burgos sa Liwasang Rizal hanggang sa rotondang Bilog ng Anda. Binabagtas nito ang Abenida Andres Soriano Jr. (dating Calle Aduana), ang pangunahing daan papuntang Intramuros, sa pamamagitan ng rotondang Bilog ng Anda na pinangalanan sa Kastilang gobernador-heneral na si Simon de Anda y Salazar. Paglampas ng rotonda, tutuloy ang Daang Bonifacio bilang Bulebar Mel Lopez na papuntang Hilagang Daungan (North Harbor) at sa mga distrito ng San Nicolas at Tondo.

Ilan sa mga kilalang establisimiyento na makikita sa daan ay ang Manila Hotel, gusali ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at ang pambansang punong-tanggapan ng Philippine Red Cross.

Pangalan

Ipinangalanan ito kay Andres Bonifacio (1863–1897), ang pambansang bayani ng Pilipinas, ang Supremo ng Katipunan, at sa gayon ang ama ng 1896 Rebolusyong Pilipino laban sa Imperyo ng Espanya.

Dati itong tinawag na Kalye Malecon (Malecón Drive) noong panahon ng mga Amerikano.[1] Noong panahon ng mga Kastila, kilala ito bilang Malecón (o kung minsan, Calle Malecón; salitang Kastila para sa waterfront esplanade), sapagkat dati itong lakaran sa may baybayin ng Look ng Maynila bago ang pagtambak ng lupa sa bahaging ito para sa South Harbor noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Dati din ito tinatawag na Paseo de María Cristina, mula sa noo'y Rehiyente ng Espanya na si Maria Cristina.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "A directory of charitable and social service organizations in the city of Manila". Archive.org. Nakuha noong 6 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°35′22″N 120°58′18″E / 14.58948°N 120.97171°E / 14.58948; 120.97171