Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang tagapanood (sa Ingles: audience) ay isang grupo ng tao na lumalahok sa isang palabas o naka-engkwentro ng gawa ng sining, literatura (kung saan ang tawag sa kanila ay "mambabasa"), teatro, musika (kung saan ang tawag sa kanila ay "tagapakinig"), larong elektroniko (kung saan ang tawag sa kanila ay "manlalaro"), o akademya sa kahit anong midyum. Ang miyembro ng tagapanood ay lumalahok sa iba't ibang paraan sa iba't ibang uri ng sining; may mga okasyon na inaanyayahan ang bukas na partisipasyon ng tagapanood at ang iba naman ay pinapayagan lang ang mapitagang pagpalakpak at kritisismo at pagtanggap.
Ang pag-aaral sa tagapanood o tagapakinig ng medya ay kinikilala nang bahagi ng kurikulum. Ang teorya sa tagapanood ay nagbibigay ng paraang iskolar na pagtanaw sa tagapanood sa pangkalahatan. Itong mga pagtanaw ang humuhubog sa ating kaalaman ukol sa kung paano ang tagapanood ay nakaaapekto at naaapektuhan sa iba't ibang porma ng sining. Ang pinakamalaking porma ng sining ay pangmasang media. Ang pelikula, larong elektroniko, programa sa radyo, software (at hardware), at iba pang format ay naaapektuhan ng tagapanood at mga pagsusuri nito at mga rekomendasyon.
Sa panahon ng madaling partisipasyon sa Internet at mamamayang pamamahayag, ang mga propesyonal na tagalikha ay nagbabahagi ng espasyo, at minsan ay atensyon, kasama ang publiko. Sinabi ng Amerikanong mamamahayag na si Jeff Jarvis, "Ibigay mo sa tao ang kontrol sa medya, at gagamitin nila ito. Kung gayon: Huwag ibigay sa tao ang kontrol sa medya, at matatalo ka. Kapag kaya nang gawin ng mamamayan ang pagkontrol, gagawin nila." Sinabi naman ni Tom Curley, presidente ng Associated Press, "Ang tagagamit ang nagdedesisyon kung ano ang magiging punto ng kompromiso nila — kung anong aplikasyon, kung anong kagamitan, kung anong oras, kung anong lugar."