Knowledge Base Wiki

Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.

Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.

Rason

라선시
라선특별시 · Rason Special City
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune-ReischauerRasŏn T'ŭkpyŏlsi
 • Revised RomanizationRaseon Teukbyeolsi
Kabayanan ng Rason
Kabayanan ng Rason
Lokasyon ng Rason
Bansa Hilagang Korea
RehiyonKwanbuk
Lawak
 • Kabuuan746 km2 (288 milya kuwadrado)
Taas
27 m (89 tal)
Populasyon
 (2008)[1]
 • Kabuuan196,954
 • Kapal275/km2 (710/milya kuwadrado)
 • Wikain
Hamgyŏng

Ang Rason (dating Rajin-Sŏnbong; Pagbabaybay sa Koreano: [ɾa.sʌn, ɾa.dʑin.sʌn.boŋ]) ay isang lungsod ng Hilagang Korea at hindi nagyeyelong daungan[2] sa Dagat Hapon sa Hilagang Karagatang Pasipiko sa hilaga-silangang dulo ng Hilagang Korea. Ito ay nasa rehiyong Kwanbuk at kinaroroonan ng Natatanging Sonang Ekonomiko ng Rason.

Sa pagbigkas ng Timog Koreano South Korean, binibigkas ang unang "R" ng pangalan bilang "N", (나선, Naseon) alinsunod sa pamantayang ponolohiyang Koreano. Noong 2000, pinaikli ang pangalan sa "Rason" mula sa dating "Rajin-Sŏnbong". Noong dekada-1930, tinawag itong Rashin ng mga Hapones; sa mga panahong iyon isa itong mahalagang pantalan sa dulo ng isang linyang daambakal. Pinalaya ito ng Pulang Hukbo noong ika-14 ng Agosto, 1945.

Bago mag-taong 1991, ginamit ng Unyong Sobyet ang Rason bilang isang alternatibong daungan sa mainit na tubig kapag hindi magagamit ang Vladivostok.[3] Mula 1993 hanggang 2004, pinamamahala ito nang hiwalay mula sa lalawigan ng Hilagang Hamgyŏng bilang isang direktang pinamamahalaang lungsod (Chikhalsi) ng Rason. Bago mag-taong 1993 at mula 2004 hanggang 2009, bahagi ang lungsod ng lalawigan ng Hilagang Hamgyŏng. Mula taong 2010, isang "natatanging lungsod" ito. Muli napalaya ito mula sa pamamahala ng lalawigan, ngunit iba mula sa dating pagtatalaga nito bilang isang direktang pinamamahalaang lungsod.[4] Anong ibig sabihin nito sa totoo ay hindi malinaw.

Hinahangganan ng Rason ang kondadong Hunchun sa lalawigan ng Jilin ng Republikang Bayan ng Tsina at Khasansky District sa Primorsky Krai ng Rusya.[2] Nagsasagawa ng mga pamumuhunan ang Tsina sa pantalan sapagkat nagbibigay ito ng daan patungo sa Dagat Hapon.[2][5] Noong Hulyo 2011, nagbigay ng pahintulot ang Demokratikong Republikang Bayan ng Korea (DPRK) para sa mga kargamento ng panloob na kalakal ng Tsina na ilululan mula hilagang-silangan papuntang silangang Tsina sa pamamagitan ng Rajin.[6] Coal is shipped from nearby Chinese mines to Shanghai.[2] Isang panayaan (casino) sa may tabi ng dagat ay naglilingkod sa mga bisitang Tsino.[7]

Emperor Hotel and Casino

Heograpiya

Pangasiwaan

Nahahati ang Rason sa isang distrito (kuyŏk) at isang kondado (kun).[8]

  • Rajin-guyŏk (라진구역; 羅津區域)
  • Sŏnbong-gun (선봉군; 先鋒郡)

Klima

May klimang humid continental (Köppen climate classification: Dwb) ang Rason.

Datos ng klima para sa Rason
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) −3.8
(25.2)
−1.1
(30)
4.4
(39.9)
11.4
(52.5)
16.1
(61)
19.0
(66.2)
23.2
(73.8)
24.8
(76.6)
21.3
(70.3)
15.3
(59.5)
6.0
(42.8)
−1.1
(30)
11.29
(52.32)
Arawang tamtaman °S (°P) −9.1
(15.6)
−6.8
(19.8)
−1.3
(29.7)
5.2
(41.4)
9.9
(49.8)
14.2
(57.6)
19.1
(66.4)
20.7
(69.3)
16.0
(60.8)
9.4
(48.9)
0.9
(33.6)
−6.2
(20.8)
6
(42.81)
Katamtamang baba °S (°P) −14.4
(6.1)
−12.5
(9.5)
−6.9
(19.6)
−0.9
(30.4)
3.8
(38.8)
9.5
(49.1)
15.0
(59)
16.6
(61.9)
10.8
(51.4)
3.5
(38.3)
−4.2
(24.4)
−11.2
(11.8)
0.76
(33.36)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 6
(0.24)
8
(0.31)
21
(0.83)
30
(1.18)
71
(2.8)
101
(3.98)
116
(4.57)
196
(7.72)
114
(4.49)
55
(2.17)
24
(0.94)
10
(0.39)
752
(29.62)
Sanggunian: Climate-Data.org [9]

Ekonomiya at imprastraktura

Mga barkong nakadaong sa pantalan ng Rason.

Pinapanatili ng Hukbong Dagat ng Bayan ng Korea ang isang baseng pampagsasanay ng hukbong dagat sa Pantalan ng Rajin sa lungsod ng Rason. Dagdag dito, nag-upa ng daungan sa pantalan ang isang kompanyang Tsino sa loob ng sampung taon.[10]

Matatagpuan ang Rason sa Linyang Pyongra ng daambakal.

Mga sanggunian

  1. DPR Korean Central Bureau of Statistics: 2008 Population Census Naka-arkibo 2010-03-31 sa Wayback Machine. (Population 2008, published in 2009)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Andray Abrahamian (Setyembre 2011). "Report on Rason Special Economic Zone" (PDF). Choson Exchange. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Abril 2012. Nakuha noong 9 Disyembre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Robinson, Thomas W (Enero 1982). "The Soviet Union and Asia in 1981". Asian Survey. A Survey of Asia in 1981: Part I. 22 (1): 13–32. doi:10.1525/as.1982.22.1.01p0334u.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Rasun Becomes Special City". Daily NK. 5 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2012. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Strategic Implications of China's Access to the Rajin Port". The Jamestown Foundation. 18 Marso 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Pebrero 2011. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "DPRK allows China domestic trade cargo to ship via its port". China Daily. 4 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2011. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Wong, Edward (12 Oktubre 2011). "Tending a Small Patch of Capitalism in North Korea". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Oktubre 2011. Nakuha noong 13 Oktubre 2011. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "라선시 - 북한지명사전". North Korea Net. JoongAng Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2013. Nakuha noong 26 Pebrero 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Climate: Rason". Climate-Data.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2018. Nakuha noong 15 Enero 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "China leases Rason port for 10 years". North Korean Economy Watch. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Setyembre 2017. Nakuha noong 11 Setyembre 2017. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga karagdagang babasahin

  • Dormels, Rainer: North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5

Mga kawing panlabas

42°20′40″N 130°23′04″E / 42.34444°N 130.38444°E / 42.34444; 130.38444