Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang paraiso ay isang lugar na napakaganda, kasiya-siya, at kaaya-aya. Isang pook na itinuturing na paraiso sa Lumang Tipan ng Bibliya, partikular na sa Aklat ng Henesis, ay ang Halamanan ng Eden. Ito rin ang ibang katawagan para sa langit o kalangitan. Bukod sa pagiging pook, maaari rin itong tumukoy sa damdamin ng kasiyahan at kaginghawahan.[1][2] Matatagpuan ang paglalarawan ng paraisong pook sa Lukas 23:43 at 2 Corinto 12:3.[3]
Mula sa panahong Dinastiyang Akemenida, ang ideya ng isang paraiso sa mundo ay kumalat sa panitikang Persa (Persian) gayundin sa ibang mga kultura. Ang salitang wikang Avestan na pairidaēza-, Lumang Persa (Persian) na *paridaida-,[note 1] wikang Median *paridaiza- (napapaderan, i.e., isang hardin na may pader) ay hiniram sa salitang Sinaunang Griyego: παράδεισος, romanisado: parádeisos at pagkatapos ay isinalin sa wikang Latin na paradīsus at mula sa latin ay sa iba't ibang mga wikang Europeo, e.g., Pranses paradis, Aleman Paradies, at Ingles paradise. Ang salitang Avestan ay pumasok rin sa mga wikang Semitiko: Akkadian pardesu, Hebreong pardes, at Arabeng firdaws.[4]
Gaya ng inihahayag ng salitang orihinal, ang gayong hardin ay napapaderan o nasasarhan. Ang salitang Proto-Iranian para sa "nakasarang espasyo" ay *pari-daiza- (Avestan pairi-daēza-) na isang terminong hiniram sa mitolohiyang Kristiyano upang ilarawan ang paraiso sa mundo.[5]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa paradise Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.