Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Pinagpalang Papa Pio IX | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 16 Hunyo 1846 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 7 Pebrero 1878 |
Hinalinhan | Gregorio XVI |
Kahalili | Leon XIII |
Mga orden | |
Ordinasyon | 10 Abril 1819 |
Konsekrasyon | 3 Hunyo 1827 ni Papa Pio VIII |
Naging Kardinal | 14 Disyembre 1840 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Giovanni Maria Mastai-Ferretti |
Kapanganakan | 13 Mayo 1792 Senigallia, Mga Estado ng Papa |
Yumao | 7 Pebrero 1878 Palasyong Apostoliko, Roma, Italya | (edad 85)
Eskudo de armas | |
Kasantuhan | |
Kapistahan | 7 Pebrero |
Beatipikasyon | 3 Setyembre 2000 |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio |
Si Papa Pio IX (13 Mayo 1792 – 7 Pebrero 1878) na ipinanganak na Giovanni Maria Mastai-Ferretti ang pinakamahabang nagharing Papa ng Simbahang Katoliko Romano na nagsilbing papa mula 16 Hunyo 1846 hanggang sa kanyang kamatayan na halos 32 taon. Sa kanyang pagkapapa, kanyang tinipon ang Unang Konsilyong Batikano noong 1869 na nag-atas ng impalibilidad ng papa (pagiging hindi nagkakamali ng papa). Inilarawan ng papa ang dogma ng Imakulada Konsepsiyon ni Maria na nangangahulugang si Maria ay ipinaglihi nang walang orihinal na kasalanan. Pinagkalooban rin ni Pio IX ang pamagat na Mariana ng Ina ng Laging Saklolo na isang ikonong Bisantino mula sa Creta na ipinagkatiwala sa mga paring Redemptorista. Si Pio IX rin ang huling papa na namuno bilang soberanya ng Mga Estado ng Papa na bumagsak nang buo sa mga nasyonalistang hukbong Italyano noong 1870 at isinama sa Kaharian ng Italya. Pagkatapos nito, siya ay boluntaryong naging unang "Bilanggo ng Batikano".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.