Knowledge Base Wiki

Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.

Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.

Omri
Omri guhit ni Guillaume Rouillé Promptuarii Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Panahon 876–869 BCE o c. 884–c. 872 BCE)
Sinundan Tibni
Sumunod Ahab
Anak Ahab

Si Omri (Hebreo: Padron:Script/Hebreo‎, ‘Omrī; Acadio: 𒄷𒌝𒊑𒄿 Ḫûmrî [ḫu-um-ri-i]) ayon sa Tanakh ay isang hari ng Kaharian ng Israel (Samaria). Ayon sa 1 Hari 16:23, si Omri ay naging hari ng Kaharian ng Israel noong ika-31 taon ng paghahari ni Asa ng Juda at naghari nang 12 taon. Ayon naman sa 1 Hari 16:28-29, si Omri ay namatay at ang kanyang anak na si Ahab ay naging hari sa ika-38 taon ni Asa na nagbibigay ng paghahari niya nang 7 o 8 taon. Ayon sa Mesha Stele na itinayo ni Mesha, ang Moab ay napailalim kay Omri sa panahon ng ama ni Mesha at ang Moab ay naging basalyo ng Israel nang 40 taon. Ang Mesha Stela ay itinayo ni Mesha bilang parangal sa Diyos na si Chemosh sa kanyang mga pagwawagi laban sa Israel na nagtapos noong 850 BCE. Si Mesha ay naghimagsik sa anak ni Omri at muling sinakop ang teritoryo ng Moab at sinakop ang mga dating teritoryo ng Israel, Ayon sa Mesha Stele, siya ay naghimagsik sa anak ni Omri. Ang pananakop ng tatlong hari ng Israel ay hindi binanggit sa Stele na ito at sumasalungat sa salasay ng 2 Hari. Halimbawa, ang monarkiya ay itinatag sa Edom pagkatapos ng paghihimagsik sa Juda sa panahon ni Jehoram(2 Hari 8:20-22). Ang paglalarawan sa Edom bilang monarkiya na may sariling hari sa 2 Hari 3 ay anakronistiko. Sa huli lamang ng mga taon ni Mesha nang sakupin at kunin ang mga lugar sa timog ng ilog Arnon.Ang paglalarawan ng isang organisadong kahariang Moabita sa mga lugar ng timog ng Arnon sa maagang mga taon ni Mesha ay mali.Ayon sa 2 Hari 10:33, si Hazael na hari ng Aram ay sumakop sa lahat ng mga lupain ng transhordang Israel hanggang sa Arnon mula kay Jehu. Gayunpaman, ang kabisera ni Mesha na Dibon ay nasa hilaga ng ilog Arnon at ang mga hangganan ng Israel ay hindi maaaring umabot hanggang sa Arnon sa panahon ni Jehu. Sa karagdagan, si Mesha at hindi si Hazazel ang sumakop sa mga lugar ng Israel sa kapatagan ng Moab sa hilaga ng ilog Arnon.[1] Sa karagdagan, ayon sa Bibliya, si Mesha ay basalyo ni Ahab ngunit sa Mesha Stele, si Mesha ay basalyo ni Omri at anak nito. Ayon din sa Bibliya, si Mesha ay naghimagsik pagkatapos ng kamatayan ni Ahab ngunit ayon sa Mesha Stele, si Mesha ay naghimagsik nang buhay pa si Ahab. [2]

Ayon sa Tanakh, nilipat ni Omri ang kabisera ng Kaharian ng Israel mula Tirzah tungo sa Samaria.Siya ay naglunsad ng patakaran ng pagpayag ng relihiyong Cananeo upang bawasan ang mga tensiyon sa pagitan ng mga Israelita at mga tribong Canaan at dahil dito, siya ay kinondena sa Bibliya bilang tagapagpalaganap ng mga kultong dayuhan.

Mga sanggunian

  1. Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman, 2006
  2. Lester Grabbe