Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang Mogadishu ( /ˌmɒɡəˈdiːʃuː,_ʔˈdɪʃʔ/, at din sa EU /ˌmoʊɡʔ,_ˌmɔːɡʔ/;[1][2][3] Somali: Muqdisho IPA: [mʉqdɪʃɔ];[istres at tono?] Arabe: مقديشو, romanisado: Muqadīshū [muqaˈdiːʃuː]; Italyano: Mogadiscio [moɡaˈdiʃʃo]), kilala sa mga lokal bilang Xamar o Hamar, ay ang kabisera at ang pinakamataong lugar sa Somalia. Nagsisilbi ang lungsod bilang isang mahalagang puwerto na nakikipag-ugnayan sa mga nangangalakal sa buong Karagatang Indiyano sa loob ng isang milenyo at kasalakuyang may populasyon na 2,425,000 mga residente.[4] Ang Mogadishu ay ang pinakamalapit na banyagang kalupaang lungsod mula sa Seychelles, sa isang distanya na 835 mi (1,344 km) sa dakong Karagatang Indiyano.[5] Matatagpuan ang Mogadishu sa baybaying rehiyon ng Banadir sa karagatang Indiyano, na hindi tulad ng ibang rehiyon sa Somalia, tinuturing itong munisipalidad sa halip na isang maamulgoboleed (estadong pederal).[6]
May mahabang kasaysayan ang Mogadishu, na sumasakop mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, na nagsilbing kabisera ng isang maimpluwensiyang Sultanato sa ika-9 na siglo, na sa mga nagdaang dantaon ay kinontrol ang kalakalan ng ginto sa Karagatang Indiyano, at sa kalunan, sumailalim sa Imperyong Ajuran noong ika-13 dantaon, na nagkaraoon ng mahalagang pagganap sa pangangalakal sa dagat noong medyebal na Daang Seda. Natamo ng Mogadishu ang kataasan ng kaunlaran nito noong ika-14 at ika-15 dantaon[7] at noong maagang makabagong panahon, tinuring itong pinakamayamang lungsod sa baybayain ng Silangang Aprika, gayon din bilang sentro ng isang lumalagong industriya ng tela.[8] Noong ika-17 dantaon, bumagsak ang Mogadishu at ilang bahagi ng Somlia sa ilalim ng Hiraab Imamate at pagkatapos, direkta itong pinamanuan ng Sultanato ng Geledi ng Somalia.
Nangyari ang koloniyalismong Italyano sa isang tumataas na yugto, na may mga kasunduang Italyano noong dekada 1880 na sinundan ng ekonomikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng iba't ibang mga angkan sa Somalia, kabilang ang mga angkan ng Reer Mataan at Shaansi (Cadcad) tulad ng reer Xamar at ng Italyanong Kompanyang Benadir at pagkatapos, direktang pinamahalaanan ng Italyanong pamahalaan pagkatapos ng 1906 at ng Britong Pamahalaang Militar ng Somalia pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Tiwalang Teritoryong Italyano ng Nagkakaisang Bansa nong dekada 1950. Sinundan ito ng kalayaan noong 1960, ang Hantiwadaag (sosyalista) na panahon noong pagkapangulo ni Barre (1969-1991). Sumunod ang isang tatlong-dekadang digmaang sibil, at noong huling bahagi ng dekada 2010 at dekada 2020, isang panahon ng muling pagatatayo.[9]
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)