Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Marcus Aurelius Antoninus Augustus | |
---|---|
Emperor of the Roman Empire | |
Paghahari | 8 March 161–169 (with Lucius Verus); 169–177 (alone); 177–17 March 180 (with Commodus) |
Buong pangalan | (Caesar) Marcus Aurelius Antoninus Augustus |
Pinaglibingan | Hadrian's Mausoleum |
Sinundan | Antoninus Pius |
Kahalili | Commodus (alone) |
Konsorte kay | Faustina the Younger |
Dinastiya | Antonine |
Ama | Marcus Annius Verus |
Ina | Domitia Lucilla |
Mga anak | 13, incl. Commodus, Marcus Annius Verus, Antoninus and Lucilla |
Si Marcus Aurelius Antoninus Augustus[notes 1](Abril 26, 121 – Marso 17, 180) ay ang emperador ng Roma mula sa taong 161 hanggang sa kanyang kamatayan noong 180. Kasabay niyang naging emperador si Lucius Verus hanggang sa pagpanaw ni Verus noong 169. Siya ang huli sa "Limang Mabubuting mga Emperador" at sinasabi na siya bilang isa sa mga mga pinakamahalagang mga pilosopong Stoiko. Sa kanyang pamumuno ng imperyo, tinalo nito ang isang nag-babalik-kapangyarihan na Imperyong Parthiano; Isang heneral ni Aurelius na si Avidius Cassius ang nagnakaw sa kabiserang sinakop na nagngangalang Ctesiphon noong 164. Kinalaban ni Aurelius ang mga Marcomanni, Quadi, at Sarmatia na may tagumpay sa mga Digmaang Marcomanniko ngunit nagkaroon ng banta mula sa mga tribong Aleman at ito ay naging isang naka-aalarma na katotohanan sa imperyo. Isang himagsikan sa silangan na pinamunuan ng kanyang heneral na nagngangalang Avidius Cassius ay hindi naging matagumpay na makaasenso at dali-daling tinapos ng pamahalaan.
Ang kanyang akda, ang Meditations (literal na "Mga Meditasyon") na nakasulat sa Wikang Griyego habang nasa kampanya sa pagitan ng 170 at 180 ay bina-balik-balikan bilang isang monumento ng panitikan para sa isang pamahalaan ng paglilingkod at tungkulin. Ito ay nagpapakita ng halimbawa ng kung paano hinarap ni Marcus Aurelies ang Platonikong kaisipan ng isang pilosopong-hari at kung paano niya binigyan ng simbolismo ang pinakamaganda na paglalarawan sa Sibilisasyong Romano.[3]