Knowledge Base Wiki

Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.

Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.

baguhin ang mga link
Senet ang unang kilalang board game, na ginawa sa Sinaunang Ehipto.

Ang laro ay isang uri ng paglalarong may estraktura, kadalasang ginagawa para sa libangan o kasiyahan, at ginagamit minsan bilang kagamitang pang-edukasyon.[1] Itinuturing ding trabaho ang maraming laro (gaya ng mga propesyonal na manlalaro ng palakasan o larong pinapanood) o sining (gaya ng mga palaisipang jigsaw [o rompekabesas] o larong may kinalaman sa artistikong paglalatag gaya ng Mahjong, solitaryo, o ilang larong bidyo).

Nilalaro lamang minsan ang mga laro para sa kasiyahan, minsan para sa tagumpay o gantimpala rin. Maaari silang laruin nang mag-isa, sa mga koponan, o online; ng mga amateur (o baguhan) o ng mga propesyonal. Maaaring may madla o manonood ang mga manlalaro na hindi maglalaro, gaya ng kapag naaaliw ang mga tao sa panonood ng isang kampeonato ng ahedres. Sa kabilang banda, maaaring bumuo ng kanilang sariling madla ang mga manlalaro sa isang laro habang pumipili sila sa paglalaro. Kadalasan, bahagi ng libangan para sa mga batang naglalaro ng isang laro ang pagpapasya kung sino ang bahagi ng kanilang madla at kung sino ang isang manlalaro. Hindi pareho ang laruan at laro. Karaniwang nagbibigay-daan ang mga laruan sa walang limitasyong paglalaro samantalang nagpapakita ang mga laro nagpapakita ng mga panuntunan para sundin ng manlalaro.

Ang mga pangunahing bahagi ng mga laro ay mga layunin, panuntunan, hamon, at pakikipag-ugnayan. Karaniwang may kasamang mental o pisikal na pagpapasigla, at kadalasan pareho ang mga laro. Maraming laro ang tumutulong sa pagbuo ng mga praktikal na kasanayan, na nagsisilbing isang paraan ng ehersisyo, o kung hindi man ay gumaganap ng isang pang-edukasyon, pang-simulasyon, o sikolohikal na tungkulin.

Pinatunayan noong 2600 BC,[2][3] ang mga laro ay isang unibersal na bahagi ng karanasan ng tao at naroroon sa lahat ng kalinangan. Ang Pangharing Laro ng Ur, Senet, at Mancala ay ilan sa mga pinakalumang kilalang laro.[4]

Mga elemento ng paglalaro at pag-uuri

Ang mga laro ay maaaring mailalarawan sa pamamagitan ng "kung ano ang ginagawa ng manlalaro".[5] Ito ang madalas na tinutukoy bilang gameplay o paraan ng paglalaro. Ang mga pangunahing elementong natukoy sa kontekstong ito ay mga kagamitang at panuntunan na tumutukoy sa pangkalahatang konteksto ng laro.

Mga uri

Ang hilahang-lubid ay isang larong na madaling iorganisa, puwedeng walang kahandaan na nangangailangan ng kaunting kagamitan.

Maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo ang mga laro, mula sa mapagkumpitensyang palakasan hanggang sa mga larong tabla at larong bidyo.

Palakasan

Ang palakasan ay karaniwang binibigyan kahulugan bilang atletikong aktibidad na kinakasangkutan ng isang antas ng kompetisyon, tulad ng basketbol o beysbol, o sipaang-bola. Tinatawag na palakasan ang ilang laro at maraming uri ng karera. Tinatawag na atleta ang propesyunal na nasa palakasan.

Larong tabla

Mga larong tabla sa Hilagang Amerika

Ang board game o larong tabla ay isang laro o laruan na karaniwang nilalarong may mga piyesa sa ibabaw ng isang pook na parang tabla o karton. Ilan sa mga halimbawa ng mga larong tabla ay ang ahedres, scrabble, dama, backgammon, irensei, parqués at go. Ang ahedres at dama ay nilalaro sa ibabaw ng 8 x 8 na tablang parisukat, na binubuo ng 32 puti at itim na mga parisukat.

Larong bidyo

Ang video game o larong bidyo ay mga larong elektroniko na nilalaro sa isang iskrin pambidyo (kadalasang telebisyon, monitor ng kompyuter, o iskrin na naka-built-in kapag nilalaro sa isang makinang handheld o hinahawakan).

Laruan

Ang laruan ay isang bagay na nilalaro, malalaro, o pinaglalaruan. Para sa mga bata, mga nasa wastong gulang, mga nakatatanda, at mga hayop ang mga laruan. Bago ang 1970, karamihan sa mga laruan ang gawa mula sa metal at kahoy. Sa ngayon, karamihan sa kanila ang yari na sa plastiko at kung minsan gawa sa sangkap na elektroniko.

Mga sanggunian

  1. "Definition of GAME". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Soubeyrand, Catherine (2000). "The Royal Game of Ur" (sa wikang Ingles). The Game Cabinet. Nakuha noong 5 Oktubre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Green, William (19 Hunyo 2008). "Big Game Hunter". 2008 Summer Journey (sa wikang Ingles). Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2008. Nakuha noong 5 Oktubre 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of Games" (sa wikang Ingles). MacGregor Historic Games. 2006. Nakuha noong 5 Oktubre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Crawford, Chris (2003). Chris Crawford on Game Design (sa wikang Ingles). New Riders. ISBN 978-0-88134-117-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)