Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Jose C. Abriol | |
---|---|
Kapanganakan | 4 Pebrero 1918 |
Kamatayan | 6 Hulyo 2003 (sa edad na 85) |
Trabaho | pari, tagapagsalin ng Bibliya |
Kilalang gawa | Ang Banal na Biblia |
Si Jose C. Abriol[1][2] (4 Pebrero 1918[3] - 6 Hulyo 2003[3]) ay isang Pilipinong pari ng Simbahang Romano Katoliko, monsenyor, at tagapagsalin ng Bibliya mula sa Pilipinas. Naging opisyal siyang kasapi ng kaparian noong 14 Mayo 1942. Isinalinwika niya ang Banal na Bibliya mula sa orihinal na Hebreo at Griyego. Bukod dito, naging rektor din siya ng Katedral ng Maynila mula 1962 hanggang 1975, na kaalinsabay ng pagiging kansilyer (chancellor) ng Arkidiyosesis ng Maynila. Bihasa siya sa siyam na mga wika, sa Kastila, Latin, Griyego, Hebreo, Italyano, Ingles, Aleman[4] at Tagalog (Filipino). Ayon sa opisyal na websayt ng Metropolitanong Katedral ng Maynila sa Pilipinas, si Abriol ang una at nagiisang Pilipinong naparangalan bilang isa sa 2000 Bukodtanging Intelektuwal ng ika-21 Daantaon ng Pandaigdigang Lundayang Pangtalambuhay (Internasyunal na Sentrong Biyograpiko, o International Biographical Centre, IBC) ng Inglatera noong Pebrero 2003.[1][2][4] Naglingkod siya bilang pari sa loob ng animnapung mga taon. Namatay siya sa edad na 85, limang buwan makalipas na matanggap ang kaniyang parangal.[1][2][3][4] Itinuturing siya bilang isa sa mga "dakilang intelektuwal ng Simbahang Pilipino at ng mundo."[3][4]
Kaugnay ng kaniyang gawain sa pagpapakalat ng Katolisismo sa Pilipinas, sumulat at nagsalinwika siya sa wikang Filipino (wikang Tagalog) ng dadaaning mga aklat at mga nobena. Kabilang sa mga ito ang unang salin ng kabuoan ng mga aklat ng Bibliyang Katoliko Romano, ang Katekismo ng Simbahang Katoliko, ang Ordenaryo ng Misal ng Ikalawang Batikano, ang Sakramentaryo, at ang Leksyonaryo. Habang naglilingkod bilang rektor ng Katedral ng Maynila, tuwiran niyang isinalin ang Ang Banal na Biblia mula sa orihinal na Hebreo at Griyego.[1]
Bukod sa pagiging rektor ng Katedral ng Maynila at kansilyer ng Arsodiyosesis ng Maynila (1962-1975), dati rin siyang nanungkulan bilang kura paroko sa parokya ng San Miguel ang Arkanghel sa Jala-Jala, Rizal (1947-1951), kura paroko sa San Rafael, Balut, Tondo sa Maynila (1951-1962), at kura paroko ng Basilikang Menor (Mababang Basilika) ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila (1976-1993). Naging kasapi rin siya ng Komisyong Panarkidiyosesis ng Maynila para sa Konserbasyon (Pagpapanatili at Pangangalaga) ng Patrimonya ng Sining at Kasaysayan ng Simbahan (Manila Archdiocesan Commission for the Conservation of the Patrimony of the Art and History of the Church) mula 1993 hanggang 1999. Naging Bikaryong Panlahat o Bikaryo Heneral rin siya ng Arsodiyosesis ng Maynila mula 1965 hanggang Hulyo 2003.[1]
Sa Pilipinas, tumanggap si Abriol ng Gawad Bukas Palad (Bukas Palad Award) noong 1999 mula sa Pamantasang Ateneo de Manila, ng Gawad Bukodtanging Manilenyo noong 2000 (Outstanding Manilan Award) mula sa sa Lungsod ng Maynila, at ng Gawad Pagkilala noong 2000 mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (dating National Language Institute).[1]
Bukod sa pagtanaw kay Abriol ng IBC - isang pangunahing tagapaglathala ng mga akdang pangtalambuhay at mga tala, katulad ng Dictionary of International Biography (Talahuluganan ng Pandaigdaigang Talambuhay) at Who's Who in the Pacific Nations (Sino ang Sino sa mga Bansang Pasipiko) bilang isang Bukodtanging Intelektuwal noong 2003, naparangalan rin siya bilang isa sa mga dalawang libong Bukodtanging Siyentipiko ng ika-21 Daantaon (2000 Outstanding Scientists of the 21st Century) at bilang isa sa dalawang libong Bukodtanging Iskolar ng ika-21 Daantaon (2000 Outstanding Scholars of the 21st Century). Nakatala na sa kasalukuyan ang pangalan at talambuhay ni Abriol sa edisyon na pangtaon 2003 ng lathalaing 2000 Outstanding Intellectuals of the 21st Century.[1]
Kabilang sa mga akda ni Abriol ang mga sumusunod:[5]