Knowledge Base Wiki

Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.

Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.

Jan Hus
Ibang mga pangalanJohn Hus, John Huss, o Jan Huss
Ipinanganak1369
Husinec, Kaharian ng Bohemia
NamatayPinatay noong 6 Hulyo 1415 (na ang edad ay tinatayang nasa 45) Konstanz, Kaobispuhan ng Constancia, Banal na Imperyong Romano
PanahonPilosopiya ng renasimiyento
RehiyonKanluraning pilosopiya
Eskwela ng pilosopiyaHussite
Mga pangunahing interesTeolohiya

Si Jan Hus (bigkas sa wikang Tseko: [ˈjan ˈɦus] ( pakinggan); c. 1369 – 6 Hulyo 1415), na kadalasang tinutukoy sa Ingles bilang John Hus o John Huss ay isang paring Czech (Tseko), pilosopo, repormer at maestro ng Charles University sa Prague. Pagkatapos ni John Wycliffe na teorista ng eklesiastikal na repormasyon, si Hus ay itinuturing na unang repormer ng simbahan na nabuhay bago kay Luther, Calvin, at Zwingli. Siya ay kilala sa pagpapasunog sa kanya ng buhay sa isang poste ng Simbahang Katoliko Romano para sa erehiya laban sa mga doktrina ng Simbahang Katoliko Romano kabilang ang sa eklesiyolohiya, Eukaristiya at iba pang mga paksang teolohikal. Siya ay isang mahalagang predesesor ng kilusang Protestante ng ika-16 siglo. Ang kanyang mga katuruan ay may malakas na impluwensiya sa mga estado ng Europa na pinakaagaran sa pag-aaproba ng isang repormistang Bohemianong denominasyong Kristiyano at sa kalaunang higit sa isang siglo kay Martin Luther.[1]

Sa pagitan ng 1420 at 1431, ang mga pwersang Hussite ay tumalo sa limang mga magkakasunod na mga krusada ng papa laban sa mga tagasunod ni Hus. Ang kanilang pagtatanggol at paghihimagsik laban sa mga Romano Katoliko ay nakilalal bilang Mga digmaang Hussite.[2] Pagkatapos ng isang siglo, ang kasing rami ng mga 90% ng mga mamamayan ng mga lupaing Czech ay hindi Katoliko Romano at sumunod sa mga katuruan ni Hus at kanyang mga tagasunod.[3]

Mga sanggunian

  1. "Luther: man between God and the Devil". Heiko Augustinus Oberman, Eileen Walliser-Schwarzbart (2006). Yale University Press. pp. 54–55; ISBN 0-300-10313-1
  2. "Sigismund of Luxembourg". Radio Prague
  3. Václavík, David (2010). Náboženství a moderní česká společnost. Grada Publishing a.s.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)