Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.
Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Itinalaga ang 2005 bilang ang Internasyunal na Taon para sa Palakasan at Pisikal na Edukasyon at ang Internasyunal na Taon ng Mikrokredito. Huling taon ang 2005 para sa Internasyunal na Dekada ng mga Katutubo ng Mundo (1995–2005).
Abril 23 – Nai-upload ang kauna-unahang bidyo sa YouTube na pinamagatang Me at the zoo.
Mayo
Mayo 13 – Pinaslang ng Interiyor na Ministro sa Uzbekistan at mga tropa ng Pambansang Serbisyong Seguridad ang hindi bababa sa 200 nagproprotesta sa lungsod ng Andijan.[6]
Mayo 19–21 – Ginanap ang Eurovision Song Contest 2005 sa Kyiv, Ukraine, at nanalo ang Griyegong lahok na si Helena Paparizou sa awiting "My Number One".
Hulyo 2 – Ginaganap ang Live 8, isang hanay ng 10 magkasabay na konsyerto, sa buong mundo, na pinataas ang interes sa kampanyang Make Poverty History (Gawing Kasaysayan ang Kahirapan).[7]
Hulyo 6
Tinanggihan ng Parlamentong Europeo ang iminungkahing direktiba sa patentabilidad ng ga imbensyong sinasagawa ng kompyuter sa ikalawang pagbasa nito.[8]
Agosto 12 – Nailunsad ang Mars Reconnaissance Orbiter mula sa Cape Canaveral, na dinisenyo upang galugarin ang Marte.[10]
Agosto 18 – Nagsimula ang Misyong Pangkapayapaan 2005, ang unang pinagsamang pagsasanay ng Tsina-Ruso, ng kanilang walong-araw na pagsasanay sa Tangway ng Shandong.[11]
Setyembre
Setyembre 7 – Ginanap ng Ehipto ang una nitong maramihang-partidong halalan, na nabalutan ng alegasyon ng pandaraya.[12]
Setyembre 30 – Naimprenta ang kontrobersyal na mga pagguhit kay Muhammad sa pahayagang Danes na Jyllands-Posten, na nagdulot ng galit at biyolenteng kaguluhan ng mga Muslim sa buong mundo.[14]
Oktubre
Oktubre 8 – Yumanig ang 7.6 Mw na lindol sa Azad Kashmir, Pakistan at kalapit na lugar na may isang pinakamataas na intensidad sa Mercalli na VIII (Matindi), na pinatay ang higit sa 86,000 katao at natanggalan ng tirahan ang ilang milyon pa.[15]
Oktubre 24 – Lumapag ang Hurricane Wilma malapit sa Cape Romano.[17]
Nobyembre
Nobyembre 11 – Sa Kazakhstan, natagpuang patay si Zamanbek Nurkadilov, ang dating alkalde ng Almaty, pamahalaang ministro at isang kalaban sa politika ni Nursultan Nazarbayev, sa looban ng kanyang pamilya.[18]
↑"Pope Benedict XVI". New York Times (sa wikang Ingles). Abril 19, 2005. Nakuha noong Oktubre 27, 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Edward Heath". 10 Downing Street. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2008. Nakuha noong 17 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)