Informatics Educational Institutions & Programs
Mga nilalaman
Anemia | |
---|---|
Dugo ng tao mula sa isang kaso ng anemiang kulang sa bakal | |
Espesyalidad | Hematolohiya |
Ang anemia o anaemia ay ang hindi pagkakaroon ng sapat na mga pulang selula ng dugo o hemoglobin sa dugo. Inilalarawan din ang anemia bilang ang pagbaba sa dami ng mga pulang selula ng dugo o ang dami ng hemoglobin sa dugo.[1][2] Maaari rin itong bigyan ng kahulugan bilang ang bumabang kakayahan ng dugo na magdala ng oksiheno.[3] Kapag ang anemya ay lumitaw nang mabagal, ang mga sintomas ay kadalasang hindi malinaw at maaaring kabilangan ng pakiramdam ng kapaguran, kahinaan, kinakapos ng hininga, o mahinang kakayahan na mag-ehersisyo. Ang anemia na lumitaw nang mabilis ay madalas na mayroong mas mahigit na mga sintomas na maaaring kabilangan ng pagkalito, pagbaba ng antas ng pagkakaroon ng malay, pakiramdam na mawawalan ng ulirat (syncope), at pagtaas ng pagnanais na uminom ng mga pluwido. Kailangang magkaroon ng sapat na anemia bago ang isang tao ay maging kapuna-punang maputla (pallor). Maaaring mayroong dagdag na mga sintomas ayon sa sanhi.[4]
Mayroong tatlong pangunahing mga uri ng anemia: anemang dulot ng pagkawala ng dugo, anemia na dahil sa pagbaba ng produksiyon o paggawa ng pulang selula ng dugo, at ang anemia na dahil sa tumaas na antas ng pagkasira ng pulang selula ng dugo.[5]
Paglalarawan
Ang laganap na deskripsiyon ng anemia ay ang "kawalan ng dugo", na literal na pagsasalinwika ng salitang anemia. Maliban na lamang sa maiksing panahon pagkaraan ng pagdurugo, ang anemia ay hindi nangangahulugang pag-unti ng dugo sa loob ng katawan (ang anemia ay hindi kakulangan ng dugo), bagkus ay isang kakulangan ng ilan sa mahahalagang mga sangkap. Sa loob ng ilang panahon, magiging higit na manipis ang kalidad ng bulto ng umiikot na dugo sa loob ng katawan.[5]
Ilang antas ng anemia ang matatagpuan sa mga sakit na nakapanglulupaypay, katulad ng tuberkulosis, pagkaraan ng mga lagnat, sa masulong na sakit sa bato, kanser, malaria, syphilis, atbp. Kapansin-pansin ang anemia sa sakit ng pagkakaroon ng bulating tiwal (hookworm), sa sakit na ulser na gastriko o duodenal, sa labis na pagreregla at iba pang mga sanhi ng tumpukang pagdurugo. Maaari ring magresulta ang anemia mula sa hindi pangangalaga sa kalinisan na pangkalusugan at pangkatawan, sobrang kakulangan sa pag-eehersisyo habang nasa labas ng bahay o ibang gusali, paglalagi sa mga gusaling walang sapat na bentilasyon, hindi pagkain ng sapat, bibig na may impeksiyon (septic mouth), atbp.[5]
Ang mga taong mayroong may anemia ay nagiging maputla, may pamumuti ng mga membranong mukosa na kapansin-pansin sa gilagid at sa linya ng pang-ibabang mga talukap ng mata (takip ng mata), at mayroong panghihina ng katawan at isipan. Ang pagtatrabaho at pag-eehersisyo ay labis na nakakapagpapagod. Ang pag-akyat sa hagdan o burol ay nakapagdurulot ng kakapusan ng hininga at palpitasyon. Ang hindi mabuting dami ng dugo sa mga organong panunaw ay humahantong sa dyspepsia, na nakapagpapataas ng antas ng pagkaantok at pagkainis (pagka-irita, iritasyon) na nagreresulta na mula sa sistemang nerbisyos na hindi sapat ang nutrisyon.[5]
Mga uri o mga sanhi ng anemia
Anemiang primarya
Karaniwang tinatawag na anemiang primarya ang anemia kapag hindi malinaw ang sanhi nito. Ang dalawang pangunahing anyo ng anemiang primaryo o pangunahing anemia ay ang klorosis (chlorosis) at ang anemiang mapaminsala (pernicious anemia). Ang klorosis ay tinatawag ding anemiang hipokromiko (hypochromic anemia), samantalang ang anemiang mapaminsala ay nakikilala rin bilang anemiang Addisoniano.[5]
Anemiang mikrositiko
- Anemia na dahil sa kakulangan ng bakal, ang pinaka karaniwang uri ng anemia sa pangkalahatan
- Hemoglobinopathies, anemiang mas bihira
- Sakit ng selulang karit (dating tinatawag na anemia ng selulang karit)
- Thalassemia
Anemiang normositiko
- Akyut na kawalan ng dugo
- Anemia ng sakit na kroniko
- Anemiang aplastiko (pagkabigo ng utak-buto)
Anemiang makrositiko
- Anemiang megaloblastiko dahil sa kawalan ng sapat na bitamina 12 o asidong poliko (o ng dalawa)
- Anemiang mapaminsala, isang problema awto-imyuno sa mga selulang parietal ng tiyan
- Alkoholismo
- Methotrexate, zidovudine, at iba pang mga gamo na nagpapahinto ng replikasyon ng DNA. Ito ang pinaka karaniwang sanhi sa mga pasyenteng hindi alkoholiko (hindi palainom ng alak)
Anemiang dimorpiko
Ang anemiang dimorpiko ay dalawang uri ng anemia na magkasabay. Halimbawa, ang hipokromikong makrositiko na dahil sa impestasyon ng tiwal (bulating-kawit) na humahantong sa pagkakaroon ng hindi sapat na bakal at bitamina B12 o asidong poliko o pagkatapos ng isang pagsasalin ng dugo.
Mga sanggunian
- ↑ "Anemia". http://www.merriam-webster.com/. Nakuha noong 7 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|website=
- ↑ Stedman's medical dictionary (ika-Ika-28 ed. (na) edisyon). Philadelphia: Lippincott Williams & Wilkins. 2006. p. Anemia. ISBN 9780781733908.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hematology : clinical principles and applications (ika-Ika-3 ed. (na) edisyon). Philadelphia: Saunders. 2007. p. 220. ISBN 9781416030065.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong);|first1=
missing|last1=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Janz, TG; Johnson, RL; Rubenstein, SD (Nobyembre 2013). "Anemia in the emergency department: evaluation and treatment". Emergency medicine practice. 15 (11): 1–15, quiz 15-6. PMID 24716235.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Anemia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 31-33.