FAIR and interactive data graphics from a scientific knowledge graph
Mga nilalaman
Franklin Pierce | |
---|---|
Ika-14 na Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto 4 Marso 1853 – 4 Marso 1857 | |
Pangalwang Pangulo | William R. King (1853) Wala (1853-1857) |
Nakaraang sinundan | Millard Fillmore |
Sinundan ni | James Buchanan |
Senador ng Estados Unidos mula sa New Hampshire | |
Nasa puwesto 4 Marso 1837 – 28 Pebrero 1842 | |
Nakaraang sinundan | John Page |
Sinundan ni | Leonard Wilcox |
Personal na detalye | |
Isinilang | 23 Nobyembre 1804 Hillsborough, New Hampshire |
Yumao | 8 Oktobre 1869 Concord, New Hampshire | (edad 64)
Kabansaan | Estados Unidos |
Partidong pampolitika | Demokratiko |
Asawa | Jane Appleton Pierce |
Alma mater | Kolehiyong Bowdoin |
Trabaho | Manananggol |
Pirma |
Si Franklin Pierce[1] (23 Nobyembre 1804 – 8 Oktubre 1869) ay isang Amerikanong politiko na naglingkod bilang pang-labing-apat na pangulo ng Estados Unidos, naglingkod mula 1853 to 1857. Sa kasalukuyan, siya pa lamang ang presidente ng Estados Unidos na nanggaling sa New Hampshire.
Talambuhay
Isinilang si Pierce sa Hillsborough County, New Hampshire noong 1804. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Kolehiyong Bowdoin noong 1824. Natanggap siya sa "bar" ng mga abogado noong 1827. Mula 1829 hanggang 1833, naging kasapi siya ng lehislatura ng New Hampshire. Napangasawa niya si Jane Means Appleton noong 1834.[1]
Naglingkod siya sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados mula 1833 hanggang 1837, at bulang senador mula 1837 hanggang 1842. Noong 1847, humarap siya sa mga boluntaryong sundalo bilang isang heneral noong kapanahunan ng Digmaang Mehikano.[1]
Pinasinayahan si Pierce bilang pangulo noong 1853, sa edad na 48. Tinagurian siyang "Young Hickory" o Batang Hickory (si Andrew Jackson ang Matandang Hickory o "Old Hickory"), naging brigadero-heneral noong panahon ng Digmaang Mehikano, isang matagumpay na abogado, kongresista, at senador. Bilang presidente, hinarap niya ang isang krisis hinggil sa paksa ng pang-aalipin na naging sanhi ng pagkakaroon ng digmaan sa Kansas; siya ang nagbigay ng pangalang "nagdurugong Kansas" para sa Kansas.[1]
Nanilbihan siyang pangulo hanggang 1857. Namatay siya sa Concord, New Hampshire noong 1869.[1]
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Franklin Pierce". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)