FAIR and interactive data graphics from a scientific knowledge graph
Mga nilalaman
Heometriya | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||||||
Apat- / ibang-dimensiyonal |
||||||||||
Mga heometra | ||||||||||
ayon sa pangalan
|
||||||||||
ayon sa panahon
|
||||||||||
Sa heometriya, ang diyametro ng isang bilog ay kahit anumang diretsong segmentong linya na dumadaan sa gitna ng bilog at ang dulong punto nito ay nasa bilog mismo. Maari din itong ipakahulugan bilang ang pinakamahabang kuwerdas ng bilog. Ang parehong depinisyon ay balido para sa diyametro ng isang espera.
Sa makabagong gamit, ang haba ng ng isang diyametro ay tinatawag din na diyametro. Sa puntong ito, sinabi nito ang diyametro imbis na isang diyametro (na tumutukoy sa segmentong linya mismo), dahil mayroon lahat ng diyametro ng isang bilog o espera ng parehong haba, na doble ang radyo nito.
Para sa isang hugis na konbeks sa plano, binibigyan kahulugan ang diyametro na maging pinakamalaking distansya na maaring mabuo sa pagitan ng dalawang tangenteng paralelong linya sa hangganan nito, at kadalasang ipinakakahulugan ang lapad nito na ang pinakamaliit na ganoong distansya. Mahusay na kinakalkula ang parehong kantidad gamit ang mga kalibreng umiikot (rotating calipers).[1] Para sa isang kurba ng hindi nagbabagong lapad, tulad ng tatsulok na Reuleaux, pareho ang lapad at diyametro dahil lahat ng pares ng tangenteng paralelong linya ay mayroon parehong distansya.
Para sa isang elipse iba ang pamantayang terminolohiya. Ang isang diyametro ng isang elipse ay kahit anumang kuwerdas na dumadaan sa gitna ng elipse.[2] Halimbawa, mayroong katangian ang mga diyametrong kondyugado (conjugate) na isang linyang tangento sa elipse sa dulo ng isang diyametro ay paralelo sa diyametrong kondyugado. Tinatawag na pangunahing aksis ang pinakamahabang diyametro.
Hango ang salitang "diyametro" sa Sinaunang Griyego: διάμετρος (diametros), "diyametro ng isang bilog", mula sa διά (dia), "sa kabila, tuloy-tuloy" at μέτρον (metron), "sukat".[3] Dinadaglat ito kadalasan bilang o
Mga sanggunian
- ↑ {{cite web|author=Toussaint, Godfried T.|title=Solving geometric problems with the rotating calipers |publisher=Proc. MELECON '83, Athens|year=1983|citeseerx=10.1.1.155.5671|language=en}
- ↑ Bogomolny, Alexander. "Conjugate Diameters in Ellipse". www.cut-the-knot.org.
- ↑ "diameter - Origin and meaning of diameter by Online Etymology Dictionary". www.etymonline.com.