Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang smartwatch ay isang nasusuot na kompyuter sa anyo ng isang relo. Kadalasang may isang touchscreen ang mga modernong smartwatch, habang mayroon naman itong isang kasamang app para sa pagaayos ng mga setting nito.
Habang ang mga naunang modelo ng smartwatch ay mayroon lamang na kaunting gamit katulad ng simpleng pagkalkula at pagpapakita ng oras, ang mga modernong smartwatch ay mas nahahalintulad na sa mga gawain ng smartphone. Maaari na maging portable media player ang isang smartwatch; bukod dito, marami ding mga gawaing nauugnay sa fitness at kalusugan.[1] May ilang smartwatch na kayang tumawag; paminsan-minsang tawag sa mga ito ay watch phone.[2]
Simula noong 2010s, naging sikat ang pagsuot at paggamit ng mga smartwatch.[3] Kadalasang ginagamit ang mga smartwatch bilang fitness tracker at pangtingin sa kalusugan.[4]
Nangunguna ang Apple sa merkado ng smartwatch, habang sinusundan naman ito ng Samsung, Imoo, Fitbit, Amazfit, Huawei, Fossil, at Garmin.[5]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)