Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang Mga Misteryong Eleusino (Ingles: Eleusian Mysteries) ay mga seremonya ng inisiyasyon na idinadaos bawat taon para sa kulto nina Demeter at Persephone na nakabase sa Eleusis sa Sinaunang Gresya. Sa lahat ng mga sagradong misteryo na ipinagdiriwang sa sinaunang panahon, ang mga ito ang pinaniniwalaang may pinakamalaking kahalagahan. Kinikilalang ang basehan ng mga ito ang lumang kultong agrarian na malamang ay mula sa panahong Mycenean (c.1600–1100 BCE) at ang kulto ni Demeter ay pinaniniwalaang itinatag noong 1500 BCE.[1] Ang ideya ng imortalidad na lumilitaw sa mga sinkretikong relihiyon ng sinaunang panahon ay ipinakilala sa huling sinaunang panahon.[2] Ang mga misteryo ay kumakatawan sa mito ng abduksiyon ni Persephone mula sa kanyang inang si Demeter ng hari ng pang-ilalim na daigdig na Hades sa isang siklong may tatlong mga yugto, ang "pagbaba"(kawalan), ang "paghahanap" at ang "pag-akyat" na may pangunahing tema ng "pag-akyat" ni Persephone at muling pagsasama sa kanyang ina. Ito ay isang pangunahing pista o pestibal noong panahong Heleniko at kalaunang kumalat sa Sinaunang Roma.[3] Ang pangalan ng bayan ng Eleusís ay tila pre-Griyego at malamang ay kontraparte ng Elysium at ng diyosang si Eileithyia.[4] Ang mga rito, seremonya at mga paniniwala ay itinagong sikreto at patuloy na iningatan mula sa sinaunang panahon. Ang mga inisiyado ay naniniwalang sila ay magkakaroon ng isang gantimpala sa kabilang buhay.[5] Dahil ang mga Misteryo ay kinasasangkutan ng mga pangitain at humihimok ng isang kabilang buhay, ang ilang mga skolar ay nanininiwalang ang kapangyarihan at pagtagal ng mga Misteryong Eleusino ay nagmula sa mga ahenteng sikodeliko. [6]