Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang dirham, dirhem o dirhm (Arabe: درهم; Amazigh: ⴰⴷⵔⵉⵎ, romanisado: adreem) ay dati at, sa ibang mga kaso, ginagamit pa rin bilang isang yunit ng pananalapi sa ilang estadong Arabe. Dati itong may kaugnayan sa yunit na bigat (ang Otomanong dram) sa Imperyong Otomano at Dinastiyang Sasanida. Hinango ang pangalan mula sa pangalan ng sinaunang Griyegong pananalapi na drachma.[1]
Ang dirham ay dating isang yunit ng bigat na ginagamit sa buong Hilagang Aprika, ang Gitnang Silangan, at Persya, na may iba't ibang halaga.
Noong huling panahon ng Imperyong Otomano (Otomanong Turko درهم), ang pamantayang dirham ay 3.207 g;[2] katumbas ng 400 dirhem ay isang oka. Nakabatay ang Otomanong dirham sa Sasanidang drachm (sa Gitnang Persyano: drahm), na nakabase din sa Romanong dram/drachm.
Sa Ehipto noong 1895, katumbas ito ng 47.661 butil ng troy (3.088 g).[3]
Mayroon kasalukuyang kilusan sa mundong Islamiko na naglalayong muling buhayin ang Dirham bilang isang yunit ng bigat para sa pagsukat ng pilak, bagaman pinagtatalunan ang tumpak na halaga (aliman sa 3 o 2.975 gramo).[4]
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)