Search for LIMS content across all our Wiki Knowledge Bases.
Type a search term to find related articles by LIMS subject matter experts gathered from the most trusted and dynamic collaboration tools in the laboratory informatics industry.
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong mga pagdiriwang ng Bagong Taon ang lahat ng mga kultura na sinusukat ang taonang mga kalendaryo.
Nangyayari ang Bagong Taon ng mga Intsik bawat taon sa isang bagong buwan sa panahon ng taglamig. Pumapatak ito sa Kalendaryong Gregoryano sa pagitan ng Enero 21 at Pebrero 21. Dahil astronomikal na tinatakda ang Kalendaryong Tsino, hindi tulad ng Kalendaryong Gregoryano, magbabago ang sakop sa pagpapalit ng panahon. Sinisimbolo ng bawat taon ng isa sa mga 12 hayop at isa sa mga limang elemento, na umiikot ang kombinasyon ng mga hayop at mga elemento sa loob ng 60 mga taon. Marahil ito ang pinakamahalagang pistang Tsino.
Ang Bagong Taon ng mga taga-Vietnam ay ang Têt Nguyen Dan. Ipinagdiriwang ito sa kaparehong araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.
Ang Bagong Taon sa Ethiopia na Enkutatash, ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 11.
Ang ilang mga bagong-pagano ang nagdiriwang ng Samhain bilang isang araw ng bagong taon na kinakatawan ang bagong pag-ikot ng Gulong ng Taon, bagaman hindi sila gumagamit ng ibang kalendaryo na nagsisimula sa araw na ito.
Kadalasang ipinagdiriwang ang Bagong Taon ng Hindu sa dalawang araw ng pista ng Diwali.